Ang @steemph.cebu ay kabilang sa proyektong itinatag ng @sndbox, ang "proyektong sndcastle". Bilang isang sndcastle, gusto ng @steemph.cebu na gumawa ng mga uri ng paligsahan o patimpalak kung saan maipapakita ng mga Pilipinong Steemian ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng kahit anong klase ng literatura. Ito rin ay isang paraan para magkaroon ng interaksyon ang mga Pilipino sa isa't isa. Hinihikayat namin ang lahat na Pilipinong Steemian na lumahok sa mga paligsahang bubuohin namin sa Steemit. Ito ay para sa inyo! Palawakin ang Wikang Filipino!
Ano ang isusulat?
Maikling Kuwento
Kuwento na maaaring totoo o fiction lamang. Hindi dapat lalagpas sa 500 na salita at hindi bababa sa 300.
Tema ng Maikling Kuwento
Mahika
Ito ay mga kuwentong nagpapahayag ng mahika sa mga mambabasa. Maaari ring tungkol sa isang bagay na fiction o hindi-fiction na kaugnay sa mahika na tema ng paligsahan.
Mga Alituntunin na dapat sundin sa pagsali
- I-resteem at i-upvote itong post.
- Ang gawang literatura ay dapat isulat sa wikang Filipino
- Gamitin ang tag na #literaturang-filipino at #mahika
- Ilagay sa pamagat ang: "Literaturang Filipino"
- Gumawa lang ng isang nilalaman o gawa.
- Ilathala ang gaw sa loob ng 6 na araw pagkatapos malathala ang anunsyo.
Higit sa lahat, Sundin ang mga alituntunin sa pagsali!
Pagbabasehan ng Mananalo
Ang pagbabasehan ng mananalong gawa ay:
- Dami ng mga salita o pangungusap o parilalang ginamit.
- Ganda ng pagkagawa
- Kaugnayan sa Tema o Paksa at
- Dami ng boto galing sa ibang Pilipino
Gantimpala
May limang mananalo sa paligsahan:
- 1st - Makatatanggap ng 5 SBD
- 2nd - Makatatanggap ng 3 SBD
- 3rd - Makatatanggap ng 2 SBD
- 4th - Makatatanggap ng 1 SBD
- 5th - Makatatanggap ng 1 SBD
Layunin ng @steemph.cebu na maibuklod ang kumunindad ng mga Pilipino sa buong Steemit. Suportahan ang @steemph.cebu at ang @sndbox.