"TANGLAW SA DILIM"
liwanag mo'y kahali-halina
animo'y dilag ang marikit mong ganda
masilayan ka'y pag-asa sa twina
pagkat ika'y ilaw sa gabing masaya
ilaw mo'y di tunay na iyo
hiram lamang sa kabilang ibayo
repleksyon sa ilaw ng araw
sa gabi ay sya naming tanglaw
o kay gandang pagmasdan
ang liwang ng ating buwan
marikit na ilaw sa gabing mapanglaw
ligaya sa puso ang syang dalaw
tanglaw sa dilim kung ituring
dahilan naman ng tulog na mahimbing
sa atin itoy silbing lambing
Sa puong may kapal ito'y nanggaling