FILIPINO POETRY #22 : "ARAW NG PAGTATAPOS"


araw ng pagtatapos.jpg




Nag-aral ng mabuti sa buong taon
Pumasok sa paaralan kahit walang baon
Kahit sa buhay ay kulang at salat
Makapagtapos lamang ng pag-aaral ay sapat


Mataas ang pangarap sa kabila ng hirap
Magtatapos ng pag-aaral pagkat my pangarap
Nagsusunog ng kilay sa mga aralin
Nag-aaral sa gabi kahit madilim
Mga tala sa langit ang silbi nyang ilaw
Nais mahubog ang sarili pagkat sa dunong ay uhaw


At sa wakas dumating na ang araw
Na magsasaya at magagalak ng labis
Pagkat nairaos kahit kapos
Ang pag-aaral tuluyan ding natapos


Tiyaga at pagsisikap ang puhunan
Upang makamit ang kinalalagyan
Abot kamay na ang pangarap sa buhay
Pagkat nabuksan din ang tulay
Na syang magiging daan patungo sa tagumpay



border.png



HANGGANG SA MULI!!!





INYONG NAIBIGAN.png




cejero021.png

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
3 Comments