Ang Sinulog sa Cebu ay isa lamang sa napakaraming kapistahan sa Pilipinas. Sa ibat-ibang dako ng pulo-pulong bansa, hindi tayo kukulangin sa makukulay na kapistahan. Nariyan ang Ati-Atihan sa Aklan, Pahiyas sa Quezon, Moriones sa Marinduque, Panagbenga sa Baguio, Kadayawan sa bayan ng kabiyak kong si @dandalion sa Davao, Peñafrancia sa Bicol, Masskara sa Bacolod, at napakarami pang iba. Ang layon ng seryeng ito ay maibahagi ang ibat-ibang mukha ng kultura, malalim na kasaysayan at kahangahangang sining ng mahal kong bayang Pilipinas
Sinulog festival in Cebu is but one of many festivals in the Philippines. There's no shortage of many colorful festivals in different parts of the achipelago. There's the Ati-Atihan in Aklan, Pahiyas in Quezon, Moriones in Marinduque, Panagbenga in Baguio, Kadayawan in my wife's @dandalion hometown in Davao, Peñafrancia in Bicol, Masskara in Bacolod, and many more. This series aims to promote the many faces of Philippine culture, its long history, and amazing arts.
Taliwas sa paniniwalang ang Sinulog ay dala ng mga Kastila, ang Sinulog ay pinagdiriwang na ng mga sinaunang Cebuano bago pa man dumating ang mga Kastila. Bago dumating ang mga Kastila mga anito ang isinasayaw sa Sinulog imbes na ang ngayo'y imahe ng mahal na Santo Niño. Ang makasasayang pagbibigay ni Magellan ng imahe ng Sto Niño sa kabiyak ni Rajah Humabon na si Reyna Juana, ay isa sa mga pinakaunang simbolo ng pagtangap ng relihiyong katoliko sa Pilipinas. Ang Sinulog ay mula sa wikang Cebuano ang ibig sabihin ay "tulad ng agos ng tubig". Ang kasalukuyang urong-sulong na sayaw sa saliw ng tambol sa Sinulog ay base pa din sa sinaunang pagdiriwang at parada sa ilog ng Mactan. Tuwing Enero, and Cebu ay nagiging pangunahing destinasyon ng lokal na turismo at maging ng mga turista mula sa ibat-ibang bansa upang dumalo sa makulay as kasiyasiyang pista ng Sinulog.
Contrary to more popular belief, the Sinulog festival's been in existence long before the Spanish colonization. Pre-Hispanic colonization, the Sinulog dance features pagan relics in place of the now statue of Child Jesus. The historic event where Magellan gave a statue of Child Jesus to Rajah Humabon's wife, is one of the earliest gesture of acceptance of western religious belief of Catholicism. Sinulog in native Cebuano means "like water current movement". The present two steps forward and one step backward dance, with the accompanying drums is still based on the native tradition and parade at the Mactan river. In January of each year, Cebu becomes a prime tourist destination both for domestic and international visitors to witness the colorful Sinulog festival.