Maraming araw na gusto ko magpost kaso madalas akong pagod na pagod. Lalo na ngayon autumn na dito. Bihira na sumikat ang araw, madalas basa, malamig pa sa madaling araw sa Pinas ang ihip ng hangin sa katanghaliang tapat. Masakit sya sa balat.
Minsan naman, gusto ko talaga magpost pero wala akong masabi, gaya ngayong gabi. Ala sais na kasi ng gabi ng tinitipa ko ang mga letrang ito. Masama ang aking pakiramdam kaya di gumagana ang aking utak pero dahil tungkol naman sa litrato ang post ko hayaan ko nalang ang bawat larawan sa baba ang sa inyo'y mangusap.
Ewan ko ba gandang ganda ko sa ideya ng minimalism. Mga bulaklak ng Cow Parsnip mga yan, nagsituyo na. Mas gusto ko sya pag ganitong tuyo mukha silang mga payong na hubad na nakatingala lahat sa langit. Malalaki pa sa ulo ko mga yan mukha lang maliit sa litrato.
Mahal to sa antique store sa city. Binabaliktad nila mga yan para matuyo. Nadaanan ko sila sa gilid ng maisan kasama ng mga damong ito minsang maaraw at naisip kong lumayo ng kaunti sa paglalakad.
Mahirap kunan ang mga damong ito masyadong magalaw sa hangin. Sumasayaw sa bawat ihip. Mahirap i close up pero nakatsamba.
Syempre hindi na minimalism yung mula sa may daan. Hmm... humahaba na ang post na ito at wala naman nang magbabasa kaya .. hanggang dito nalang.
This content's 100% mine , I took the pics with my Samsung Galaxy A3, 2016 .
Here is my most recent post: **TIP : Don't waste your voting power on posts that have already been paid out.ONLY Upvote POSTS THAT ARE 6 DAYS OLD below.
Are you new in Steemit? Kindly read the Complete Steemit Etiquette Guide Revised Edition authored by @thecryptofiend to help us all get along well with each other. Hopefully you do get to read it now since there's nothing else that comes after it except that picture below.