Kwento Ng Pag-Ibig

IMG_20170814_220123_688.jpg

Kwento Ng Pag-Ibig

Sisimulan natin sa panahong kayo'y masaya pa,
Mga tawanan na akala ninyo'y ambisyon lamang.

Siya at Ikaw ay masaya,
Dahil akala 'nyo kayo na ngang dalawa;
Ang magkakatuloyan at magsasama.

Pero nasaan na siya?
Ayon at nasa ibang Nayon na!
Pag-Ibig sadyang napakasakit,
Tapos ang tanong kaya pa ba?

Ang Pag-Ibig ay parang isang subject,
Isang subject kung saan bumagsak ka ng ilang ulit.

Ngunit kahit ilang beses ka pang bumagsak,
Alam mong mayroon ka pa ring patutunguhan.

Huwag kang mabalisa hintayin mo lang siya;
Siya na magbibigay sa'yo ng importansya.

Dahil ikaw, ay karapat dapat na lumigaya,
Liligaya ka sa taong ikaw ang ligaya;

Pag-Ibig na walang paghihinayang,
Pag-Ibig na para sa iyo lamang.
Tulad ng Pag-Ibig ng Dios na walang katapusan....

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
1 Comment