Kabayan! Bago ka dito? Yehey masaya yan, welcome na welcome tayong lahat dito. Di ko na tatanungin kung pano mo nahanap ang Steemit. Tayo pa bang mga Pinoy, e napakahilig natin sa social media sites. Yung totoo, ilan ang naka-install na apps sa phone mo? Hulaan ko, may Facebook, may Instagram, may Twitter, may Snapchat, at marami pang iba. Too many to mention ba. Kaya nga tayo natatawag na Social-Media Capital of the World. Napakaraming oras natin ang nalalaan sa social media. O baka dahil mabagal internet dito kaya matagal tayo naka online. Hahaha funny ko.
Pero ito ha, ibahin mo ang Steemit sa lahat ng yan. Walang kaparis ito oy! Baka sabihin mo exage ako, truths yan. Unique kaya to. May sarili nyang identity. Oo lahat sila social media sites, pero lahat may pagkakakilanlan. Dati pag inaaya ko ang mga kaibigan at kakilala na subukan ang Steemit, sinasabi ko na "Parang Facebook lang sha. Lahat ng ginagawa mo sa Facebook pwede mong gawin dito tapos pwede kang mabayaran para sa posts mo, or pag madaming likes, okaya pag madami shares at pati sa comments".
Napagisip-isip ko baka pala mali ang expectations na nasiset ko sa mga tao pag ganun.
Kasi, halimbawa no, kunwari lilipat ka ng bahay. Iba syempre ang nakasanayan mo sa komunidad na dati mong tinitirhan, tapos iba rin malamang ang mga bago mong makakasalamuha. Baka iba ang rules ng homeowners. Mga ganun ba.
Kaya eto naisipan kong gawin na i-share kung ano ang natutunan ko na sa apat na buwan ko dito. Sana makatulong sa Steemit journey mo.
Starter Pack Item 1: Alamin ang mga Bagay-bagay Ukol sa Steemit
STEEMIT
Malamang alam mo na to, para ito sa mga nagiisip pa lang kung susubok sa Steemit. Ang STEEMITay isang social-media platform na nasa blockchain na pinapahalagahan ang gawang de kalidad. Maaaring kumita ang mga post mo depende sa upvotes, resteems at comments. Pwede kang magpost ng kung ano ang hilig mo- musika, sining, pagkain, travel blogs, mga tula o kwento at kung anu-ano pa.
Steem, Steem Dollars at Steem Power (SP)
Saan nanggagaling ang kita dito? Mayroon kasing tinatawag na 'reward pool' na paghahati-hatian ng lahat ng posts. Ang parte mo sa hatian depende sa dami at laki ng upvote.
Ang bawat gawa mo may pitong (7) araw na posibleng kumita sya. Kaya may 7 araw ka na ikampanya ang likha mo, okaya ipagdasal na sana i-upvote ng iba. Hahaha biro lang. Ang totoo mapapansin at mapapansin ang gawa basta maganda. Maya na natin pagusapan ang tungkol sa kalidad ng post, kasi ramdam ko ang excitement mo sa 'kita' kaya balik muna tayo.
Ang bawat blog post ay pwedeng kumita ng Steem, Steem Dollars (SBD) o Steem Power (SP).
Steem - Ang Steem ang pinaka pera dito sa Steemit kumbaga.Available sya sayo anytime na may gusto kang paggamitan. Pwede siyang gawing Steem Power o ipalit sa Steem Dollars. Pwede mo ring syang i-trade sa ibang cryptocurrency tulad ng Bitcoin.
Steem Power - Ang Steem Power (SP) ang batayan ng impluwensya ng isang Steemian sa halaga ng kikitain ng isang post o komento. Mas maraming SP, mas mataas din ang dollar-value ng upvote o downvote ng mayari nito. Yun nga lang, hindi sya readily-accessible gaya ng Steem. Kung gusto mong mag "Power Down" at ibalik ang SP sa Steem, aabot ito ng labing-tatlong (13) linggo. Sa proseso ng 'Power Down', ang iyong SP ay mahahati sa labing-tatlong pantay na bahagi. Kaya kung may 130SP ka halimbawa na i pa-power down, tig 10 Steem ang makukuha mo bawat linggo.
Steem Dollars - Ang Steem Dollars (SBD) ay pera rin sa Steemit tulad ng Steem. Ang kaibahan lang, laging nasa $1 USD ang halaga nito sa Steemit platform. Pwede syang ipalit sa Steem o sa iba ang cryptocurrency.
Ayun nga, para kumita kailangang gumawa ng blog post. Kung nakagawa ka na, malamang napansin mo to:
Ay, hindi lang pala malamang, siguradong napansin mo ito kasi sabi 'Rewards'. Nung una ko yang nakita kako, "Teka, bakit Default (50%-50%)? Ano to, may kahati ako agad??? Sino???" Hahaha, joke lang baka di mo na ituloy ang pagbabasa.
Eto seryoso na. Ganito yan, sa bawat gawa mo ng blog may pagpipilian ka kung pano mo gustong kumita.
Power-Up 100% - Ang buong kikitain ng post mo ay magiging SP. Ibig sabihin naka lock-in ng 13 linggo kung gugustuhin mong kunin. Pero ibig ding sabihin nito, lumalakas ang impluwensya mo sa Steemit ng wala ka ng aalalahanin. O di ba, POWER!!!!
Default 50%- 50% - Ang kalahati ng kita ng post ay magiging SP, ang kalahati naman SBD. Ang SBD ay maaari mo ng magami basta nasa wallet mo na.
Decline Pay-out - Kapag ito ang pinili, walang kikitain ang post kahit marami pa syang boto.
Ang pagpili sa kung alin sa mga ito ang gagamitin ay base sa kung ano ba ang plano mo sa iyong Steemit career. Gusto mo bang lumaki ang SP? O kailangan mong kunin ang kikitain para sa pang-araw-araw na gastusin? Basta isipin mo muna ano ang plano mo sa kikitain sa post bago pa pumili ng rewards model.
Starter Pack Item 2: Kilalanin at Magpakilala sa Katangi-tanging Komunidad ng Steemit
O di ba pak ang heading nito. Tagal ko pinagisipan, pano ba sa Filipino ang "Welcoming Community"? Kaso di ko talaga maisip kaya 'katangi-tangi' nalang. Mas bongga pa ang effect. Pero totoo nga na katangi-tangi ang komunidad dito sa Steemit. Kung mga nakakailang linggo ka na dito, malamang napansin mo na rin ang mga ito.
Malugod na Pagtanggap sa mga Baguhan
Bilib ako dito. Nung nagsimula ako sa Steemit wala akong kilala. Kaya ko to nalaman dahil "I was playing with 'em coins" sabi nga ng ka-labteam ni @purepinay. Nauna kong nalaman ang STEEM as a cryptocurrency. Nainteres ako tapos nalaman ko ang steemit. Syempre sign-up ako agad social media site e. Ang nakakatuwa jan, basta gumawa ka ng introduceyourself post, ang daming magwewelcome talaga sayo. Nakagawa ka na ba ng introduceyourself? Kung hindi pa madaming magagandang pwedeng kunan ng inspirasyon. Itong gawa ni @teamsteem magandang gawing gabay, klik mo ito para mabasa mo. Itong kay @jeanelleybee rin isa sa mga pinakamagagandang pagpapakilala na nakita ko, subukan mong basahin dito.
Sa aking pananaw, hindi naman kailangan na ito ang pinaka-una sa lahat ng ipopost mo. Tulad nga ng sabi ko sa isang naunang post ko dito, mas mainam kung nakapagpost ka na ng ilang gawa mo bago gawin ang self-introduction post. Meron kasing iba na binibisita ang page natin kapag nakita tayo sa ganyan. Sa mga unang post mo, wag mong asahan na kikita ka ng malaki. Pero ok lang yun, gawa lang ng gawa ng magagandang content kasi ito ang magsisilbing 'portfolio' mo, bawat taong sisilip sa page mo parang yang mga naunang gawa mo ang pagpromo mo sa gawa mo kumbaga.
Para sa akin, isa ang pagpapakilala sa sarili sa mga unang kailangan nating isulat dito, kasi maipapaalam mo sa ibang steemians kung ano ba ang hilig mo, ano ang aabangan sayo.
Bilang nakapagpakilala ka na, ang kasunod naman nito ay kilalanin natin ang ibang kapamilya dito a steemit. Makikilala mo sila base sa kanilang panulat.
Madaming paraan par mahanap ang mga steemit posts.
Punta ka sa Home, at makikita mo ang mga bagong posts ng mga taong followed mo. Ito bale ang 'Feed' sa account nyo. Sa New ang mga post ay nakaayos depende sa oras ng paglathala, ang mga pinaka-bago ang laging nangunguna, at angTrending kung saan dito makikita ang mga trending na posts sa oras na yun.
Magandang paraan para makilala ang iba dito ang pagiiwan ng komento sa mga gawa ng iba. Pero dapat nabasa talaga ang post para makapagiwan ng magandang komento na matatandaan ng nagsulat. Sa ganyan nagsisismula ang magandang relasyon sa komunidad.
O sya, hanggang dito na lang muna. Kung may tanong, koment lang, pagtutulung-tulungan ng komunidad na sagutin yan! Salamat sa pagbabasa, muli, ikinagagalak kong makita ka dito sa Steemit. Mabuhay!