Kamusta mga Katropa!
Ngayong araw ay wala po muna kaming arawang pag-uulat dahil may isa kaming munting anunsyo. Kung inyo pong mapapansin ang aming logo ay isang tarsier na nakuha sa pixabay.com dahil sa nais naming mas mabigyan ng personalidad ang proyektong ito, kami ni Junjun ay nakaisip na naman ng bagong ikaka-tumbling ng mga kapwa nating Filipino at ito ay ang patimpalak ng #tagaloglogo.
Sinubukan naman naming gumawa ng logo ni Junjun pero ang visual arts ay hindi talaga namin forte. Tanging ka artehan lang at hugot sa buhay ang meron kami kaya't ito mag ho host nalang kami ng patimpalak.
Simpleng logo lang naman ang aming nais para sa TagalogTrail.
- Isang logo na magpapakita ng pangalan ng proyekto (Tagalog Trail)
- Mga kulay at simbolismo na naglalarawan sa pagka Pilipino
- Simbolo at mga katangian na iyong naiisip na pinakanaglalarawan sa TagalogTrail
Naniniwala kami na may mga mahuhusay na artist na makakagawa ng logo na naaangkop para sa TagalogTrail dahil sa napakaraming utopian contributor na gumagawa ng logo noon. Ang aming mapipiling logo ay ang aming gagamitin bilang Opisyal na logo para sa proyektong nabanggit.
Maliban diyan ay naisipan din naming magpa-patimpalak para sa aming Abatar ni Junjun. Ito ang mga nais naming makita sa mga abatar. Depende na ito sa kung paano ma interpret ng artist
Para sa aking abatar na si Toto
- Isang binatang pabebe ( dahil sabi nila pabebe daw ako) na may hawak hawak na potato chips. Naka sando at shorts lang ang suot. ( *Ako po yung laging nag ko komento ng walang ka susta sustansyang mensahe sa mga post na nadadaanan ko minsan *)
Para sa abatar ni Junjun
- Isang binatang hugutero na may hawak na ruler (minsan pangsukat minsan pamalo na din). Bahala na kayo sa suot ng pinsan ko. Basta lagi akong may pektus sa kaniya pag nawiwili akong mambwisit ng ibang tao sa comment box. (Madalas ni cu curate nya ay yung mga #wasakan at #hugot na tema na kwento at tula, siya din ang may hawak sa mga reports reports namin yung English)
Palugit:
- Ang patimpalak ay magtatapos sa araw ng Linggo ika-20 ng Mayo 2018 sa ganap na ika 12 ng tanghali
Papremyo:
Likhang obra | Pabuya |
Opisyal na Logo | 7 SBD |
2 Abatar na Aming Napili | 8SBD |
Isang taga guhit lamang ang aming pipiliin para sa abatar, sa kadahilanang mas magandang isang estilo lamang ng nag guhit ang aming gagamitin para dito.
Mga Dapat Tandaan:
- Gamitin ang tag na #tagaloglogo
- Ipaliwanang ang kahulugan ng nilikhang disenyo at ang mga detalye nito.
- I resteem ang akdang ito para mas makita ng kapwa Pilipino.
- Maaring gumawa ng hanggang 3 na magkakaibang logo at hanggang 3 din na magkakaiba na pares na abatar.
- Para maging opisyal ang inyong entry dapat ito ay nasa wikang Tagalog.
- Gawin ang mga likha logo man o abatar sa mataas na resolusyon ( high-res image)
- Sa pagsali sa patimpalak, nauunawaan ng kalahok na ang mga likha ay malaya at ganap na magagamit ng @tagalogtrail