Still working on my original Filipino Poetry Banner
Banal na Rosaryo
Dahil binati ni Gabriel si Sta. Maria ng magandang balita
Hindi ina-asahan na siya ang pinili
Sapagkat ang kanyang payak na buhay
ay namumukud tangi
Naganap ang pagbisita ni Sta.
Maria kay Sta. Isabela
'Pagpalain sana ang anak mo'
binati niya ng galak
Sa kapanganakan ay nagdiwang
ang mga hari at reyna.
Hesus ang ipinangalan sa kanya
Dumating na ang ating mesiya!
Lumipas ang ilang taon at ang
batang Hesus ay iprenesinta
Sa temple kung saan siya ay mawawala
Ngunit hindi naglaon
ay nahanap siya
Ng kanyang inang si Berhing Maria.
Kasunod nito ay ang
Misteryo ng Liwanag
Mahahalagang kaganapan na
dapat malaman
Bininyagan si Hesus
sa ilog Jordan
Inihayad pa niya ang
kanyang sarila sa isang kasalan
At doon, gumawa siya ng mirakulo
na sa iba ay nagpabago
'Makinig kayo sapagkat ang
kaharian ng Diyos ay para sa inyo'
At itoy darating na walang sinuman
ang nakakaalam
'Kahit ako man'
Sa kanyang anyo si Hesus
ay nagbago
Kumuha siya ng mga disipolo,
mga makasalanang tao
Itatatag ang Eukaristiya
na kasama sila at ang ibang naniniwala
Ang pangatlo ay ang masakit
na Misteryo ng Hapis
Kung saan nananalangin si Hesus
na lubos ang paghihinagpis
'Ama, kung yan ang gusto Mo,
ay tatanggapin ko ang hampas
ng latigo habang nakagapos sa bato'
Hampas na higit pa sa inaakalang
makakaya
Hindi pa sila nakontento
at nilagyan pa ng koronang tinik
Pinasan niya ang krus
para sa ating lahat
Mailigtas lang tayong
makasalanang nilalang
Dumating na rin sa tuktok
ng bundok
Tatlo silang papakuin
at sa huli ay papatayin
At panghuli ay ang Misteryo
ng Kaluwalhatian
Malungkot man yung una
ay may ganti naman na maganda
Si Hesus ay muling nabuhay
Bumangon mula sa pagkakahimlay
Di naglaon siya ay
umakyat sa langit
Para makasama ang Tatay
Bumaba siya sa Lupa
kasama ang Banal ng Espiritu
Nagpakita siya sa mga disipolo
at kinausap niya ang mga ito
Lumipas ang panahon at
si Inang Berhing Maria
ay langit din ang punta
Sinalubong siya ng mga
anghel at sabay patong sa korona.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
"best of time"
Previous Filipino Poetry