Bilang tanda ng aming pasasalamat sa lahat ng mga miyembro ng Dynamic Steemians na sumali sa ating curation trail, ako si @baa.steemit bilang bagong curator na nai-assign ni @dynamicgreentk para sa lingguhang patimpalak na ito, pipiliin ko ang sa tingin ko ang pinakamagandang ulog post sa filipino ulog post channel.
Bakit #ulog ang tema?
Ang #ulog ay ginawa ni @surpassinggoogle upang makuha ang limitasyon sa pagpost at ito ay nagsisilbing daanan upang maunawaan namin kung ano at sino ka. Nakita namin na ito ang pinakamabisang paraan upang mawala ang pangongopya ng kontent at para maisulong ang paggamit ng sariling lengguwahe sa paggawa ng mga post. Ipo-promote namin ang paggamit ng #ulogs upang makatulong na gumawa ng engagement sa mga miyembro sa pamamagitan ng aming patimpalak sa paggawa ng magagandang komento sa ibang post na isinasagawa namin sa aming discord channel linggo-linggo.
Patungkol saan ang patimpalak na ito?
Ito ay patimpalak sa paggawa ng mga makabuluhang komento. Magkokomento kayo sa post na mapipili ko para sa lingguhang patimpalak.
Ano ang premyo?
- 2 SBI (Steem Basic Income) shares para sa taong may pinakamakabuluhang komento sa post na napili ko
- 1 SBI (Steem Basic Income) shares para sa ikalawang mananalo
Makakakuha rin ng Dynamic Steemian trail vote (2x sa isang araw hanggang 7 araw) ang tatlong miyembro ng Dynamic Steemian trail na sasali at ginawa ang kanilang makakaya upang makasali sa patimpalak.
Ulog post #14 : Charity works in my community giving a free eye check-up and free eyeglasses
Para sa mga susunod pang mga patimpalak, ang mga miyembro na aktibo sa pagsali ay may mas malaking tsansa na mapili sa susunod. Gusto namin ang isang makabuluhang diskusyon patungkol sa post na aking napili.
Post para sa linggong ito
Para sa linggong ito, ang napili kong post ay kay @veejay2312 kung saan makikita dito ang magandang hangarin nya na makatulong sa mga taong may malalabo ang mata. Ang gandang tingnan ng mga post na tulad nito na nakakatulong sa iba lalo na sa mga nangangailangan talaga. Hindi kasi mura ang check-up lalo na sa mata, isa itong magandang ehemplo ng isang magaling na lider. Iniisip nya talaga ang kapakanan ng iba bago ang sarili nya, inuna nya ang pagtulong dahil alam nya na maganda ang maidudulot nito sa kanyang bayan.
Gusto ko ring malaman kong ano ang masasabi nyo sa gawa nya, kaya wag kayong mahiya na magbigay ng komento. Sa pagbigay ng komento, kung maaari ay gawin ito sa wikang filipino upang makita din nila ang ating pagkakakilanlan bilang mga pilipino.
If you would be interested to join a group of like-minded people & quality content creators who support, guide & learn from one another, then I am extending an invitation to our #dynamicsteemians discord. Here you can connect with people from all over the world, your country included.