Filipino Translation: Steem Basic Income - Frequently Asked Questions

1.jpg

Ano ba ang Steem Basic Income(SBI)?

Ang Steem Basic Income ay isang experimentong sosyal na ginawa upang ang karamihan sa mga steemian kung maaari ay makakakuha ng kita. Upang makasali, kaylangan mo nang isang miyembro na mag-isponsor sayo upang mapasok ka sa programa. Ito ay ibinabahagi sa pamamagitan ng regular na pagboto nito sa posts ng mga miyembro.

2.jpg

Paano ba sumali (o maparami ang aking share)?

Magpadala lamang ng 1 steem sa @steembasicincome. Ilagay ang pangalan ng steemian sa memo na pinangungunahan ng @. Ikaw bilang isponsor at ang taong iyon ay parehong makakatanggap ng share o parte sa programa. Pwede kang mag isponsor ng sinumang actibo na steemian at hindi kinakaylangan na isa syang kasalukuyang miyembro ng SBI.

Halimbawa: @baa.steemit

Upang mag isponsor ng mahigit sa isang miyembro, o kung ikaw ay nagdadalawang isip na sumali, pakibasa ang aming patnubay para sa kompletong transaksyon gamit ang memo at ipaalam sa amin kung mayroon kayong mga katanungan.

Ang opisyal na currency para sa pagenroll ay ang STEEM (STEEM Basic Income). {Tumatanggap lang kami ng SBD sa aming pagpapasya kung kalimitan na magkalapit lang ang presyo ng dalawa o kung mas malaki ang presyo ng SBD kaysa sa STEEM) ngunit hindi ka makakatanggap ng sobrang halaga o parsyal na refund para sa pagbayad ng SBD sa halip ng STEEM. Kung pinili naming tanggapin ang SBD sa pagenroll, tinatanggap namin ang buong halaga. Kung pinili naming tanggihan ito, ibabalik namin ang buong halaga at hilingin sa iyo na magpadala ng STEEM sa halip.

Maaari kang mag-trade sa pagitan ng STEEM at SBD sa iyong Wallet. I-click lamang ang dropdown sa pamamagitan ng STEEM o SteemDollars at i-click ang "Market".


3.jpg

Nagpadala ako ng transaksyon na nag-iisponsor ng isang tao at hindi ko nakikita ang isang boto sa aking mga post, napalampas mo ba ang aking transaksyon?

Maraming trabaho ang ginagawa ng manu-mani ni @josephsavage. Na may higit sa 2000 na mga miyembro, at marami pang sumasali araw-araw, maaaring tumagal ng ilang araw upang maiproseso ang mga bagong enrollment. Makatitiyak kami na ang iyong transaksyon ay matitignan kaagad sa lalong madaling panahon. Kung higit sa 3 araw na ang dumaan, maari nyo po kaming padalhan ng mensahe sa aming discord channel at susuriin namin ang status ng iyong enrollment.

Paano ko malalaman kung gaano na karaming shares ang mayroon ako?

Makikita nyo ang bilang ng iyong mga share at ang vote weight sa pagboto sa aming spreadsheet na ipinaliwanag dito . Kung mayroon kang anumang mga katanungan, maaari kayong magtanong sa seksyon ng mga komento o sumali sa aming discord channel.

Hanggang kaylan ba tatagal ang aking mga shares?

Ang mga shares ay kumakatawan sa antas ng iyong subscription sa upvote service na ito. Ang iyong kasalukuyang shares ay hindi kailangang ma-renew at magtatagal hangga't maaari, napapailalim ito sa aming mga patakaran sa plagiarismo at patakaran sa pagbalik. Maaari kang mag-subscribe sa shares o mabigyan sa pamamagitan ng isang sponsor.

Pwede bang mawala ang aking subscription?

Tinitingnan namin ang mgaregular na ulat na nagpapakita ng mga flag mula sa mga anti-spam at anti-plagiarism account. Kung ang isang miyembro ay nagsisimulang makagtanggap ng mga flag, sinusuri namin ang sitwasyon at upang matukoy kung ang isang miyembro ay dapat ba i-pause o tanggalin ang kanilang subscription. Kung gagawin namin ang pagtatanggal ng isang subscription, ang nabayad sa pag-enroll ay maaaring bahagyang maibalik, saklaw sa aming patakaran sa refund. (Tingnan sa ibaba sa ilalim ng 'iba pang mga tanong')

Maaari ba akong mag-isponsor ng kung sinuman na gusto ko?

Oo. Ang pag-isponsor ay nakasalalay sa iyo, hindi sila kailangang maging isang kasalukuyang miyembro ng SBI. (maliban lamang sa iyong sariling @ pangalan)

Maliit lang ang STEEM na meron ako, ngunit gusto kong sumali, maaari bang isponsor ako ng isang tao?

Maraming mga paligsahan sa steemit na nagbibigay ng mga shares. Ang mga paligsahang ito ay kadalasang makikita sa aming pahina. Karamihan sa mga tao na may hawak ng paligsahan na namamahagi ng SBI shares bilang mga premyo ay gumagamit ng tag na #steembasicincome upang madaling mahanap ang paligsahang ito.

Alam kong naenroll na ako ngunit hindi ako nakakuha ng boto!

1 - Tingnan para sa boto ang mga account na ito mula sa sbi2, sbi3, sbi4 ... atbp. (Iba't-ibang mga pool ay makakatanggap ng boto mula sa iba't ibang mga account ng Steem Basic Income)
2 - Pagkatapos matignan ang mga account na ito para sa boto, kung wala parin sa mga ito, maaaring magpadala ng mensahe sa aming discord channel.

Bakit ako nasa ibang pool kaysa sa taong inisponsor ko?

Ang mga pool ay may limitasyon na hanggang 500 miyembro. Kapag nag-sponsor ka ng isang tao, ang kanilang share(s) ay idaragdag sa isang pool, na maaaring o hindi maaaring sa pool kung saan ka naroroon. Ang iyong mga bagong share(s) sa pagisponsor ay maidaragdag sa iyong kasalukuyang mga share(s) iyong kasalukuyang pool. Kung lumagpas ka na sa 100 shares, ang iyong bagong shares ay idaragdag sa ibang pool at pagkatapos ay magsisimula kang makatanggap ng mga boto mula sa parehong mga pool account. (halimbawa: sbi 2 at sbi 5)

Mukhang napakaliit lang ng halaga ng aking mga boto!

Ang halaga ng suporta na matatanggap mo linggu-linggo ay hinahati sa iyong rate ng pag-post. Kung mag-popost ka ng isang beses sa isang lingo, ang iyong boto ay magiging mas malaki. Kung mag-popost ka ng maraming beses sa isang araw, ang iyong mga boto ay magiging mas maliit sa bawat post. Sa alinmang paraan, ang iyong mga boto ay idaragdag upang maging pareho sa bilang ng ng iyong shares.

Nais naming suportahan ang lahat ng mga istilo ng pag-post ng mga miyembro para walang obligadong gumawa ng pang-araw-araw na post.

Kung babaguhin mo ang iyong rate sa pag-post, makakakita ka ng pagkakaiba sa vote weight ng boto sa iyong mga post.

5.jpg

Kung nais mong makakuha ng mas malaking upvotes sa iyong mga post, maaaring i-consider ang mga ito:

1 - Paglagay @steembasicincome sa 100% auto upvotes upang makakuha ng bonus weight.
2 - Pakikilahok sa mga paligsahan (na ibinabahagi ng @steembasicincome at natagpuan sa ilalim ng tag na: steembasicincome).
3 - Pag-sponsor ng mas maraming tao sa programa.

Kung boboto ako sa mga post ng @steembasicincome, may makukuha ba ako na kahit ano?

Ang pagbibigay ng boto sa mga post ng @steembasicincome ay magpapataas ng iyong vote weight sa pagboto. Ito ang pinakamadaling paraan upang makakuha ito at panatilihin ang bonus na ito sa pamamagitan ng paglagay ng @steembasicincome sa isang auto voter tulad ng steemvoter o steemauto.

Tingnan dito o sa ibaba ang iba pang impormasyon patungkol dito.

Maaari ko bang ipagkaloob ang STEEM POWER ko sa @steembasicincome upang makakuha ng bonus?

Oo, makakakuha ka ng bonus share sa bawat 20SP na itinalaga sa @steembasicincome. Kapag tinanggal mo ang iyong delegasyon, ang bonus na pagbabahagi mula sa delegasyon ay aalisin.

Tingnan ang iba pang impormasyon pa tungkol sa delegasyon dito sa ilalim ng " Delegation Bonus Shares". Kung nagpakaloob ka ng delegasyon mula sa @minnowbooster delegation market sa halip, hindi ka makakatanggap ng bonus shares (dahil ikaw ay bayad na sa pamamagitan ng kanilang programa).

Ano ang iba't ibang uri ng shares?

  • Ang standard share ay kung ano ang makukuha mo kapag nag-sponsor ka ng isang tao, o sila ay isponsor ka. Ang mga ito ay kumakatawan sa iyong antas ng subscription sa serbisyong ito.
  • Ang bonus shares ay isang pansamantalang gantimpala para sa delegasyon. Mula ito sa pagkakaloob ng delegasyon ng SP. (tingnan sa itaas)
  • Ang mga shares para sa mga namamahala ay ginagawang gantimpala para sa mga kabilang sa pangkat na namamahala. Ang mga ito ay nakatakda sa 5% ng mga kasalukuyang shares. (ibig sabihin, para sa bawat 100 shares, isang karagdagang 5 na shares para sa mga namamahala ang ginagantimpala sa koponan ng pamamahala. Walang shares para sa mga namamahala ang ginagantimpala para sa mga bonus shares.)
  • Ang mga temp shares ay ang mga shares para sa mga namamahala na pansamantalang iginagawad sa mga miyembro na tumutulong upang mapaunlad ang programa. Ang temp shares ay nakasalalay sa kasunduan sa pagitan ng mga miyembro at ng mga namamahala.

Maaari ko ba kayong makausap sa Discord?

Oo. Ang Earth Nation ay nagho-host ng isang channel para sa amin sa kanilang server ng Discord. Maaari kang sumali dito: https://discord.gg/fpSnkFM
Kung maaari ay maging magalang at limitahan ang iyong mga katanungan sa Steem Basic Income sa #steembasicincome room.

Nagho-host ako ng isang paligsahan ng giveaway. Mayroon bang banner na pwede kong gamitin?

Oo, kopyahin ang code sa ibaba at ilagay ito sa iyong post.
<a href="https://steemit.com/basicincome/@steembasicincome/steem-basic-income-a-complete-overview" rel="nofollow noopener"><img src = "https://steemitimages.com/DQmYyGi4HvKXuvQJ7sWPQHH5W33ThfAE74dpsJgMJ6n8UiZ/SBI%20Promo%20Banner%20PNG.png"></a><br>


Ano ang iyong patakaran sa pagrefund?

Ang mga miyembro na tinanggal dahil sa plagiarism o iba pang mga iligal na aktibidad ay makakatanggap pa ng bahagyang refund ng anumang bayad sa pagpapatala na kanilang binayaran (mga enrolment na binabayaran ng miyembro, hindi ang mga enrollment kung saan ang miyembro ay inisponsor). Kinakalkula namin ang kabuuang halaga ng STEEM ng mga upvote na natanggap (ipagpalagay na 50/50 ang pamamahagi at paggamit ng STEEM / SBD ratio mula sa petsa ng bawat payout at ibalik ang refund ng anumang halaga ng pagpapatala na hindi ibinalik sa pamamagitan ng mga upvote). (Sa katunayan, ang mga miyembro na natanggal dahil sa plagiarism ay walang karapatan sa anumang kita.)

Kung may pagbabago sa programa, magbibigay kami ng bahagyang refund sa mga miyembro na hindi sumasang-ayon sa mga bagong tuntunin ng programa. (Halimbawa, magkakaroon ng mga pagbabago kapag natapos natin ang proyekto ng automation, at ang opisyal na anunsiyo ay nailathala bago magaganap ang mga pagbabago). Ang pagpipiliang na ito ay may bisa lamang para sa mga natanggap na enrollment bago ang opisyal na anunsyo ng mga bagong term. Sa kasong ito, ang miyembro ay may karapatan sa 200% ng kanilang nabayad sa, at babawasan ito ng kabuuang halaga ng STEEM sa boto na natanggap, ngunit ang curation na kinita ng @steembasicincome ay aalisin mula sa kabuuan. Sa katunayan, ang mga miyembro na na-refund sa pamamagitan ng pamamaraang ito ay may karapatan sa upvotes na nagkakahalaga ng 200% ng kanilang paunang bayad sa subscription. Kung ang miyembro ay nakatanggap ng mga boto na nagkakahalaga ng higit sa 200% ng kanilang mga bayad sa pagpapaenroll, hindi sila karapat-dapat sa anumang refund. Maaaring may pagkaantala sa pagproseso ng mga refund sa ganitong uri kung may mataas na dami ng mga kahilingan, at ang mga miyembro na humihiling ng mga refund ay hindi makakatanggap ng mga boto habang ang kanilang refund ay nakabinbin.

Hindi kami tumatanggap ng mga kahilingan sa pag-refund mula sa mga miyembro para sa anumang kadahilanan maliban sa mga pagbabago sa programa. Kung nais mong ihinto ang pagtanggap ng mga boto, maaari mong hilingin na ang iyong shares ay maibabahagi sa iba, ngunit hindi ka makakatanggap ng anumang refund.

Kung nais mong malaman ang iba pang impormasyon tungkol sa programa, may ginawa kaming mga mekaniks kung paano gumagana ang programa sa pangkalahatang-ideya.
/@steembasicincome/steem-basic-income-a-complete-overview

Lubos kaming nagpapasalamat kay @katysavage para sa lahat ng pagsusumikap na inilagay niya sa FAQ na ito, at kay @kass-and-bax para sa pagbibigay ng karagdagang pananaw mula sa isang tao na wala masyadong alam sa talakayan patungkol sa Steem Basic Income sa pangaraw-araw na basehan.


baa.steemit.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
8 Comments