Graphics Design by @baa.steemit | Proofread by @baa.steemit
Wala bang may gustong baguhin ang mundo? Pinahabang introduksyon post (Inayos upang panatilihin ang kasulukuyang impormasyon na gumagana ngayon).
Steem Basic Income - Kumpletong Pangkalahatang Ideya
Naging interesado ako sa panlipunang experimento tungkol sa Universal Basic Income.
Image Source: Pixabay
Habang sinusuri ko ang panitikan tungkol sa Universal Basic Income, may dalawang tanong na palaging sumagi sa aking isipan.
Ano ang maaaring kabayaran?
Paano ipamamahagi ang pera?
Hindi ko alam ang huling sagot para sa basic income kung manyayari ba ito sa panlipunan o pangkalawakang antas, ngunit hindi ba maaring tulad ng steem ang kasama sa sagot?
Ang layunin ng proyekto na ito ay upang mabigyan ng basic income ang bawat steemian.
Enrollment
Mukhang nakakaintriga... Paano mag-sign up?
Magpadala ng 1 steem sa @steembasicincome. Isali ang pangalan ng taong gusto mong isponsor sa memo. Ikaw at ang gusto mong isponsor ay makakatanggap ng shares sa programang ito.
Okey, nag-sign up na ako? Ano ang susunod kong gagawin?
Ikaw at ang taong gusto mong isponsor ay mapapabilang sa pool. Bawat miyembro sa programa ay makakatanggap nang kanilang Steem Basic Income sa pamamagitan ng post upvotes. Ang kabuuang lingguhang vote strength na makukuha ay mahahati sa bilang ng shares upang malaman ang bigat ng boto na matatanggap sa bawat share. Ang kabuuang lingguhang upvote weight ng bawat miyembro ay maipapamahagi sa kanya-kanyang mga post sa halaga ng kanilang pansariling posting frequency.
A Waterfall of Sustainability
Isipin ang isang magandang batis na dumadaloy sa gilid ng bundok. May madadaanan itong isang hungkag at pupunuin ito hanggang sa magiging lawa. Kung napuno na ang lawa, ang tubig ay patuloy na dadaloy sa gilid ng bundok. Maaari ang daan ay patungo sa isang bangin, at ang tubig ay bubuhos ng dalusdos na parang talon. Sa paanan ng talon, ang tubig na iyon ay hahanap ng panibagong hungkag na pupunuin hanggang sa magiging lawa. Patuloy ang proseso na ito na nagpapayaman at nagbibigay sagana sa mga buhay ng mga tao na nakakakita at nadadaanan nito.
Image Source: Pixabay
Gunitain ang @steembasicincome na parang lawa ng SP, magwiwisik ng basic income sa lahat ng miyembro. Ang sukat at korte ng pool ay may-limit hanggang 500 na miyembro pero ang @steembasicincome ay hindi limitado hanggang 500. Ang SP ay bubula hanggang sa gagawa ito ng ikalawang pool. Ang mga bagong miyembro ay papasok sa ikalawang pool (at minsan mapo-promote sa unang pool kung magkakaroon ng bakanteng posisyon).
Pag Re-Assign Ng Mga Miyembro
Bawat miyembro ay makakakuha hanggang 100 shares sa bawat pool. Kung may miyembro na mayroong mahigit na 100 shares, ang 100 na shares ay mapupunta sa unang pool habang ang natitira ay mapupunta sa susunod na pool. Ang bonus na share na galing sa delegation o upvoting ay hindi masasali sa bilang ng sinasabing limit.
Hyperactive Na Mga Miyembro
Ang kabuuang voting weight ng bawat miyembro ay batay sa shares na pagmamay-ari nila ngunit ibinabahagi ito sa kanilang lingguhan na posts. Ginawa ito upang matiyak na matatanggap ng bawat miyembro ang kanilang lingguhang kita para hindi sila mapilitang gumawa ng artikulo araw-araw. Sapagkat may mga miyembro na maaring produktibo, ang kanilang voting weight ay bumaba ng 0.50%. Kung sakaling ito ay mangyari, ang mga miyembro ay awtomatik na malilipat sa mas mababang antas na pool upang makatanggap parin sila ng upvotes. Kung ang voting weight nila ay tataas, maaaring sa pamamagitan ng madalang na pag post, magkaroon ng higit na shares o bonus voting weight galing sa upvoting @steembasicincome, sila ay susuriin upang umangat sa mas mataas na pool ulit hangga’t may bakanteng posisyon sa mataas na pool.
Pagtubo Ng Iyong Steem Basic Income
Ito ay waring maliliit na upvotes. Pwedi ko bang pataasin ito?
Maraming paraan para pataasin ang iyong Steem Basic Income:
Pag-Upvote Ng Bonus
I-upvote ang @steembasicincome parati upang tumaas ang basic income na matatanggap mo.
Palaging sinusuri namin ang upvotes na matatanggap ng @steembasicincome sa loob ng 28 days. Ang mga miyembro na nag-a-upvote palagi ay makakatanggap ng pagbabago sa kanilang voting weight. Ang kurba ay nakatakda sa 28 na upvotes (isang upvote sa araw-araw). Sa pamamagitan ng 28 full upvotes, ang voting weight ay tataas nang 100% (katumbas sa pagkakaroon ng 2 shares sa bawat share na iyong pag-aari). Ito ay inaayos ng iyong voting weight. Sa halip na kung ang iyong karaniwang upvote ay 90%, ang iyong basic income ay tataas nang 90%. Ang ibang miyembro na may 21 full upvotes ay makakatanggap nang 75% na aumento (21/28 = 75%), ngunit kung ang isang miyembro ay bibigay nang 90% upvotes, ang kanilang voting weight ay tataas lang nang 67.5% (21/28 *.9 = 67.5%).
Ang pinakamataas na tulong na mailalaan sa anomang miyembro ay 100%. Para makakuha ng pinakamabuti na benepisyo, iniririkomenda namin ang paggamit ng steemvoter or kahit anong may pagkakatulad upang maiwasang mahuli sa kahit anong update posts.
Mag-Isponsor Ng Mas Maraming Miyembro Sa Pool
Tuwing mag-iisponsor ka ng kahit sino na miyembro, makakatanggap kayo ng 1 share. Sa pamamagitan ng pag isponsor ng maraming miyembro makakatanggap kayo ng mas maraming shares. Maaari kayong mag-isponsor ng maraming tao o mag-isponsor ng isang tao ng maraming beses. Kung lumagpas kayo sa share limit na para sa isang pool, aapaw kayo sa susunod na pool at makakatanggap ng upvotes galing sa dalawang pool. (Ibig sabihin upvotes na galing kay @steembasicincome at @sbi2... patuloy sa ibang pools)
Delegation Bonus Share
Ang umiiral na miyembro ay makakatanggap ng bonus shares na galing sa delegation. Para sa bawat 25 SP na delegado sa @steembasicincome, ang mga miyembro ay makakatanggap ng 1 bonus share. Kapag ang delgasyon ay inurong, ang bonus shares na ito ay aalisin. Sa kasalukuyan ang bawat share ay tumatanggap ng weekly voting weight na halos 5.61%.
Upang pasimplehin ang pagsubaybay, ang lahat ng miyembro ay dapat delgado sa @steembasicincome. Kung ang delegating member ay wala sa pool 1, ang kanilang delgasyon sa @steembasicincome ay idadagdag sa delegasyon na ipinadala galing kay @steembasicincome sa pool kung saan napabilang ang delegating member na hindi kasama sa pool 1.
Ang mga bonus shares na ito ay unang bibilangin bago ang bonus shares na nakuha sa pag-a-upvote ng @steembasicincome. Kaya kung mayroon kang 1 share, nakatanggap ka ng 4 bonus shares na galing sa delegasyon ng 100 SP at panayang pag-upvote sa @steembasicincome, may potensyal ka na maaaring makatanggap ng upvote weight na katumbas ng 10 shares sa halip na 1!
Kahit sinong steemian na naka-enrol na sa @steembasicincome ay maaaring mag-delegate kahit magkanong gusto nila para makatanggap ng bonus shares. Kung hindi ka pa isang miyembro pero gusto mong mag-delegate, paki padala ang enrollment transakyon sa @steembasicincome at idadagdag namin ang iyong bonus shares sa oras na i-proseso namin ang iyong enrollment.
Pinapahalagahan namin ang bawat miyembro na nagdala sa amin dito, magbibigay kami ng mga update tungkol sa aming member-provided delegation upang malaman ninyo kung sino ang pasasalamatan.
Ito ang mga ilang Handy Delegation links:
100SP | 200SP | 300SP | 400SP | 500SP |
---|
Troubleshooting
Hindi ko natanggap ang kinita ko ngayon. Ano ang nangyari?
Kailangan mong mag-post upang matanggap ang iyong kinita. Bumubuo rin kami nang functionality para magbigay gantimpala sa mga nag-koments ngunit maaaring hindi pa ito gumagana ngayon. Ang ilang nilalaman ay maaaring i-block sa pagtanggap ng suporta. Siguraduhin na ang iyong post o komento ay umaandar ng wasto. Maaarin may isyu rin na may bot. Paki mensahe ang @steembasicincome or @josephsavage kung kinakailangan niyo ng tulong.
Tulong! Ang aking reputasyon ay inaatake! Makakaapekto ba ito sa aking kita? Paminsan-minsang sinusuri ng @steembasicincome ang reputasyon ng bawat miyembro. Kung ang iyong reputasyon ay nakakaranas ng biglaang pagbaba, susuriin namin ang pinagsasaligang sanhi. Maaari kang maging grey-listed at pansamantalang hindi makakatanggap ng kita.
Paano kung hindi ako karaniwang mag-post araw-araw?
Mas gugustuhin naming magbigay gantimpala sa mga nilalaman na mahusay ang kalidad. Ngunit kailangan niyong mag post minsan sapagka't kailangan namin ang inyong mga post upang makapag-upvote. Panayan ang pagsusuri namin sa posting frequency at pag-aayos ng upvote weight sa naaayon.
Tulong! Tinanggal ako ni @josephsavage at tumanggi siya na ibalik ako sa dating posisyon.
Kung ang isang user ay hindi sumasang-ayon sa desisyon ng administrasyon na magpataw ng pansamantalang o permanenteng pagtanggal, maaaring mag-proseso ng apela. Ang offending user ay maaring magpili ng miyembro galing sa recipient list (paminsan-minsang i-publish) at si @josephsavage ay pipili ng isang miyembro. Ang mga miyembro na iyon ang susuri sa mga elemento ng kaso at mag-desisyon kung dapat nga tanggalin o i-reverse. (Ang mga itinalaga na miyembro ay maaring tumanggi). Kung wala silang desisyon na pinagkasunduan, ang bawat miyembro ay maari pang magtalaga ng 2 pang miyembro (6 na kabuuang) at ang kaso ay pwedeng ng desisyonan batay sa boto ng karamihan. Kung wala parin silang desisyon na pinagkasunduan, ang orihinal na ruling na galing kay @josephsavage ay pinalakas by default.
Maaaring magbago ang proseso na ito ngunit ang anumang pagbabago ay dapat aprubahan ng karamihan ng voting members. May i-pa-publish na voting post kasama ang mga bagong iminungkahi na panuntunan at oo o hindi na koment. Ang komento na may maraming miyembro (hindi yung may malaking gantimpala) ang magpapasya ng kalabasan.
Lahat ng panuntunan ay pwedeng magbago hanggang may mga miyembro na sasali at bumayad sa mga i-sponsor. (Sa launch lahat ng miyembro ay i-sponsored at napili ni @josephsavage). Ang mga pagbabago ay kailangan aprubahan sa pamamagitan ng proseso ng voting post sa punto na iyon. Isasauli ng full o partial ang mga bayad ng mga tutol na miyembro na nag i-sponsor ng iba sa programa kung may total basic income sila na di lumagpas ng 200% sa kanilang initial registration cost (1 steem sa bawat share na nakuha sa pamamagitang ng pag-i-sponsor ng ibang miyembro). Ang i-sponsored shares (ang registration fee ay binayaran ng iba) ay hindi karapat-dapat isauli ang bayad sa kahit anong rason.
Pag-Usapan Natin Ang Matematika
Ang programa ay nagsimula ng mayroong 189 SP sa voting power at 18 shares kasama ang initial investment na galing kay @josephsavage. Iyon ay higit sa 18 SP sa bawat share ngunit ang tanging gasto para magdagdag ng 2 shares ay 1 steem. Sa simula palang alam namin na kung magdagdag ng bagong miyembro ito ang magpapahina sa umiiral na mga miyembro. Ang SP ng bawat share ang lalapit sa cost ng bawat share. (Mahalaga ang unang pagbayad ng mga miyembro para sa upvotes na natatanggap nila at ng mga taong i-sponsored nila).
Kasalukuyan ang mga bagong miyembro ang nakinabang sa puhunan ng mga umiiral na miyembro sa halip na ang umiiral na miyembro ang nakinabang sa mga bagong miyembro. Sa matematika na ito, ang insentibo na mag i-sponsor ng mga miyembro ay panatilihin ang bagong shares para sa iyong sarili.
Sa una pa, in-offset namin ang disequilibrium sa pamamagitan ng paggastos ng STEEM galing sa registration fees sa 90-day delegation leasing. Ang 1 STEEM ay makakabili na ng 9 SP sa delegation. Nag reresulta ito ng mas mataas na equilibrium sa humigit-kumulang 4.5 SP sa bawat share gaya ng 1 STEEM na makakabili ng 2 shares. Ito ay salik ng curation rewards na galing sa upvoting members posts at walang materyal na epekto sa bawat share ng SP sa panandaliang panahon. (Orange line)
Dahil nagtatakda ng boto araw-araw na nagkakahalaga ng halos 0.02 SP ang 4.5 SP bawat share, pinahihintulotan ang bawat bagong miyembro na mabawi ang kanilang initial spend bago ang delegation magsimulang mawalan ng bisa.
Pagkatapos magsimulang mawalan ng bisa ang delegation, Mayroon pa ring disequilibrium habang wala ng bisa ang delegation at ang SP ng bawat share ay magsimulang bababa ulit. Ito ay nakalilito na problema at tinatawag namin ito na Growth Dilution. Gagawa ito pagkakasunod-sunod na pool, kung saan ang SP ay parang talon aagos sa unang pool at patuloy sa susunod na magbibigay sa atin ng pangmatagalang solusyon sa problemang iyon.
Ang Matematikang Talon
Ang SP ay magsisimula sa @steembasicincome. Ang @steembasicincome ay mag-delegate sa target rate na 2 SP bawat share samantala ang shares itinalaga sa pangalawang pool (@sbi2). At saka ang 25% ng @steembasicincome permanenteng (non-delegated) SP ay delegado sa pangalawang pool. Sapagkat ang SP ay tutubo para kay @steembasicincome at @sbi2.
Sapagka’t ang mga miyembro ay pupunta sa makalawang pool, magbabayad parin ng enrollment fees kay @steembasicincome ngunit mag-delegate ng bagong SP sa pangalawang pool na nag-ta-target ng 2 SP voting power sa bawat miyembro at saka 25% ng permanenteng SP sa pool 1. Ito ang nagpapanatili ng growth dilution sa pool 2 sa pagdadala ng epektibong SP bawat share na mas mababa sa 2 SP na humahantong na mas mabagal na investment recovery period ngunit nagbibigay benepisyo ng stable sustainability.
Ang epektibong SP sa bawat share ay patuloy na sinusuri sa pool 1 (@steembasicincome) upang siguraduhin na ang delegation sa @sbi2 ay hindi humantong sa labis na growth dilution sa @steembasicincome. Ang @steembasicincome ay patuloy na mag-lease ng hustong delegation upang mapigilang ang epektibong SP na mas lalong bumaba sa new target levels na kahit 0.05 epektibong SP ay higit pa kay @sbi2.
Anumang labis na STEEM na hindi kailangan para sa leasing delegation ay gagamitin para sa fixed-rate vote buying upang mamaximize ang permanenteng SP growth ng mga pools. (Maganda ang aming pinagkasunduan ni @earthnation-bot na makatanggap 5x return sa fixed-rate vote buying at makakatanggap sila ng 1 bonus share sa kada 3 paggamit. Gumagamit din kami ng serbisyo na nagsasauli ng 2-3x amount spent. Hindi kami gumagamit ng bidding bots)
Ang mababang antas na target ay pinahihintulotan ang epektibong SP na mag-settle sa mas sustainable na lebel upang magpatuloy na lumago mula sa upvotes ng mga miyembro at delegation sa halip na umasa nang continual cycle sa leased delegation renewal. Kapag magsimula ng mapuno ang pool2 aagos ito sa pool 3 kung saan tatanggap ito ng delegation galling sa pool 1 na tinatarget ang 2 SP voting power ng bawat share sa pool3 at saka delegation na mula sa pool 2 na kumakatawan ng 25% sa kanyang permanenteng SP. At iba pa… hanggang sa lahat ng steemian ay lalangoy sa Steem Basic Income!
Sustainability Incentives
Alam na namin bago palang i-launch na magkakaroon ng potensyal na isyus pagkatapos ng 90-day mark. Malinaw naming inihayag na maliit lamang ang kita kaya gumawa kami ng 4 na paraan para malagpasan iyan.
- Mag-upvote ng koments at mag-post mula sa @steembasicincome upang lumakas ang mga boto.
- Mag-sponsor ng maraming miyembro sa pool. Sa bawat oras na mag-sponsor kayo ng Isang miyembro makakatanggap ang bawat isa sa inyo ng 1 share. Makakatanggap kayo ng mas maraming shares sa pamamagitan ng pag-sponsor.
- Mag-delegate ng SP sa @steembasicincome. Nadadagdagan ang kita ng lahat. Maraming Salamat!
- Bumili ng Steem. Habang tumataas ang steem tataas din ang value ng iyong basic income.
Ang bagong Waterfall of Sustainability na may kasamang insentibo sap pag-upvote at pagbibigay ng delegation ay lumikha ng bagong dynamik na pinahihintulotan ang permanenteng SP na tumubo ng sapat para tanggalin ang kalinga sa leased delegation.
Ang disequilibrium point ay kailangang ma-postponed hanggang ang rate sa bagong enrolment ay mas bababa sa pagtubo na galing sa author at curation na gantimpala sapagka’t ang limitasyon ng mga miyembro ay hindi aabot sa kawalang-hanggan. Sa puntong iyon magkakaroon ng patuloy na pagtaas sa basic income na matatanggap ng bawat miyembro. Ang mga insentibo na binigay upang hikayatin ang member support sa pamamagitan ng pag-a-upvote and delegation ay sa kasulukyang pinahihintulutan kaming panatilihin ang aming epektibong SP bawat share na mas mataas pa sa target lebels kahit walang bagong delegation leases. Mas may kompyansa kami na maabot ang sustainable equilibrium kung patuloy kaming hindi na kailangan pang mag-lease ng bagong delegation.
TLDR
Kung gayon ito ay isang vote buying club? Kung saan magbabayad kanang diretso at sasang-ayon na mag-upvote ng mga post na bumubuo ng kita para sa lahat ng nasa club na ibinabahagi sa pamamagitan ng pagtanggap ng upvotes sa iyong mga post?
Ito ay isang aktwal na tanong na aking natanggap at itong ang sagot.
Tama ka naman talaga ngunit may ilang naiibang katangian.
Una para makakuha ka ng shares para sa sarili mo, kailangan mong mag-sponsor ng mga share para sa ibang tao. Ito ay lumilikha ng iba’t-ibang membership at humihikayat sa mga supporting people na maaaring walang liquid funds para sumali sa mga voting club.
Pangalawa hindi kinakailangan na mag-upvote ng mga post galling sa @steembasicincome, samantalang may ibang hinihingi ang karamihan sa voting club tungkol sa bagay na iyon.
Panghuli, ang mga upvote ay isa-isang tinitimbang para sa bawat miyembro batay sa karaniwang weekly posting behavior para hindi sila mapuwersang maglathala kahit ayaw man nila para lang sa kanilang daily upvote.
Malaya kang hindi sumangayon at hindi sumali kung iniisip mong kailangan gantimpalaan ang indibidwal na post kaysa sa indibidwal na miyembro.
Ang matematika ang kadalasang dahilan kung bakit hindi nabubuo ang mga venture. Gusto naming magbigay ng tuluy-tuloy na pagtaas ng basic income para sa lahat ngunit ang pera ay dapat manggaling sa isang lugar (tulad ng Universal Basic Income). Sa kasong ito ang pera ay dapat manggaling sa mga taong pumiling sumporta nito sa pamamagitan ng pag-sponsor ng kapwa steemians at sa pag-upvote nito upang magkaloob ng mas malaking share sa reward pool.
Paano Kung Hindi Ko Ito Magustuhan?
Kung lubos kang hindi sumasang-ayon sa mga ginagawa namin malaya kang lumipat. Kung ini-sponsor ka naman ng ibang tao at ayaw mo na maging parte, pakiusap ipaalam mo sa amin at ang iyong share ay tatanggalin naming. Hindi ka makakatanggap ng refund sapagka’t wala kang binayad ngunit igi-grey-list ka namin at pahihintulutan naming ang darating na mga potensyal sponsor upang makapili ng iba ulit.
Ito ang pinahabang math-filled na introduksyon at umaasa kami nanatili kasama namin! Kung nabasa ninyo ang buong artikulo at masaya kayong nakasali (o kaya’y ini-sponsor)… maligayang pagdating sa grupo!! Ang kumpletong pangkalahatang ideya na ito ay orihinal na gawa galling sa @steembasicincome, sinulat ni @josephsavage ngunit gumamit ng mga sekyon galing sa dating mga update.
Ikagagalak naming tumanggap ng mga kahit na anong tanong!