Fellow Pinoys, we definitely are one social-media-loving nation.
Aminin natin yan. Pag inusisa ang Apps sa Eyfown or Semseng, tiyak may isa sa mga ito na naka-install- FB, IG, SC, Twitter o Youtube. O baka nga lahat meron. Mahalaga sa atin ang social media kasi we stay connected malayo o malapit man ang ating mga loved ones.
Syempre kailangan maishare natin ang ating experiences pag may ganap tulad ng:
- Kitaan ng barkada
- Kain sa labas
- Okasyon gaya ng:
3.1. Birthday
3.2. Binyag
3.3. Pasko
3.4. New Year
3.5. Graduation
3.6 Fiesta
3.7 to 3.9 Araw ng Kagitingan, Araw ng mga Bayani, Araw ng Kalayaan
3.10 to 3.12 Anniversary, Monthsary, Weeksary - ATBP mga araw na mahahalaga
Sa bawat pagpost kasi natin ng mga nangyayari sa atin, at tuwing nababasa ito ng ating mga mahal sa buhay, we 'don't become strangers' ika nga. Sa bawat post na nababasa pakiramdam natin nakasama na tayo sa experience nila. Kaya tiyak yan madaming likes, comments or share, lalo pag nakakaaliw talaga.
Mapunta naman tayo sa online voting, sigurado tuwang tuwa ang mga kontesera natin pag kasama yan sa criteria for judging. One nation tayo pag sumuporta e. Kita mo ang Aldub may world record sa Twitter.
At isa pa din yan sa talent natin- magaling tayong magpatrend. Trending ba ika mo? Millions of views overnight? Common nalang sa atin. Tapos pag nagtrending ka, kasunod nun interview sa TV or pagaartista. Most of us are creative and naturally funny-witty kaya nakakatuwa magbasa ng posts at comments.
Masarap sa pakiramdam pag napapansin ang posts mo. Op cors, hirap na hirap ka magisip ng caption o write-up mo dun no. Dahil sa oras na nagagamit natin sa social media, ang iba sa atin nasasabihan pa ng nanay ng:
"Bisi ka na naman kaka peysbuk mo! Ikakayaman mo ba yan?!!!!???".
Pano nga kaya kung bawat like, or comment, or share, ikinayaman natin? Imposible ba? Hindi imposible. Try mo gumawa ng account sa Steemit.com. Yun nga lang pag nagsign-up ka mga isang linggo ka maghihintay bago makalogin (seryoso ito) kasi manually verified ang new accounts. Bakit? Kasi may potensyal na kumita bawat post mo.
Ooops! Ituloy lang ang pagbabasa. Walang sign-up fees or what. Wala rin akong referral fees or commision pag gumawa ka ng account. Sayang kasi ang potential to earn kaya masigasig akong nagsusulat nito at pinapamalita sa world.
Hindi scam or joke. Eto sample: Nagupload ng isang magandang kuhang larawan (pangalawang post), ang valuation sa dito ay $358. Totoo yan, no joke. Kung 45 piso palitan sa dolyar 16K yan. Maganda nga naman ang piktyur. Si ate naman sa last post, nagkwento tungkol sa travels nya. Nakakuha ng $155.
Yun nga lang not on the same day mo makukuha, may 3 days wait pereiod. Hindi parin masama kasi you're being rewarded for something that you would normally just do in other sites (for free). Ang madalas na hesitation dito e mahirap paniwalaan na babayaran ka for that. Too good to be true ba.
Magandang bisitahin ang FAQ section ng site, karamihan ng questions in your mind andun sagot malamang. If you need help processing kung pano nakukuha in real life ang value na nasusulat, pede rin ako mapagtanungan. Wala ring komisyon yan haha.
Napasiyasat tuloy ako sa previous FB posts ko. Kung nasa Steemit ang existing network ko sa FB, magkano kaya kinita ko dito?
Twice nako naka receive ng reward pero barya barya lang. Kakasimula ko lang kasi nitong first week of May 2017. Eto sana ang goal ko by next year, kahit kalahati lang ng account value nya na $368, 900.00 happy nako.
Lika na! Follow mo ko: @dreamiely