Paano ba ang Konsepto ng Curation Rewards sa Steemit? Kumita ng STEEM sa pamamagitan ng pag-Upvote!

1st.png

Paano ba ako Kikita sa Gantimpalang hatid sa Pag-Curate?


Sa Steemit, kikita ka sa pamamagitan ng paggawa / pagkomento at pag-vote din! Kung ikaw ay mag-uupvote sa isang gawa ng ibang tagagamit, may makukuha kang hati sa pangkalahatang kita ng iyong gawa sa anyo ng STEEM. Ang mga unting STEEM na ito ay tinatawag na "curation rewards". Sa post na ito, pag-uusapan natin ang mga pinakamaiging gawin para kumita sa mga reward at mga estratehiya para mas mapalaki pa ang epekto nito.

Ating Isa-isahin


Ang gantimpala sa Steemit ay nahahati sa dalawang grupo ng mga tao. 75% sa kabayaran ay pupunta sa gumawa ng sulat (authors) / komento habang ang 25% ay pupunta sa mga curators. (Ang mga "curators" na ito ay kumakatawan sa kahit sinong nag-upvote sa iyong gawa o naglagay ng komento sa loob ng 7 araw na limitasyon.
2nd.png
3rd.png

Paano Mapalaki ang Gantimpalang hatid ng Curation


25% ng kabayaran ng isang sulat ay hinahati sa lahat ng mga curators. Subalit, sa loob ng 25% mayroong mga estratehiya upang iyong makuha ang halos lahat ng iyong upvotes.
Heto kung papaano ito nahahati:

Kung bumoto ka sa isang post sa hindi pa ito umabot ng 30 minuto sa pagsulat, ibinibigay mo ang hati sa potensyal mong gantimpalang makukuha deretso sa may-akda. Kung bumoto ka naman sa hindi pa umabot ang 30 minuto, ang kabayaran ay mahahati. Heto ang mukha ng konsepto :

0 minuto100% ng curation rewards ay makukuha ng may-akda
3 minuto90% ay makukuha ng may-akda at 10% ay makukuha ng curator
15 minuto50% ay makukuha ng may-akda at 50% ay makukuha ng curator
27 minuto10% ay makukuha ng may-akda at 90% ay makukuha ng curator
30 minuto pataas100% ng curation rewards ay makukua ng curator

Kung gusto mo pang maglikom ng impormasyon siguraduhing pumunta sa the Steemit FAQ page..

Tip sa pagboto : Kung naghahanap ka ng paraan upang mas mapalaki pa ang iyong makukuha sa curation, napakaiging mag-upvote pagkatapos ng 30 minuto. Subalit, kung gusto mong sumuporta sa may-akda na iyong binoto, napakagandang gawi ang pagboto bago ang 30 minuto.

Maglakbay pa sa hatid ng @sndbox sa Steemit na pwede mong magamit.


Maraming salamat sa pagbasa! Nawa'y may naitulong ang "Curation Rewards" na gawang ito. Kung may mga katanungan ka, wag mag-atubiling tanungin kami sa comment section.

Bumisita sa @sndbox para sa mas marami pang mga gabay-aral at mga ideya sa Steemit.

Ako rin ay magpupursiging i-translate ang mga mahahalagang gawa ng Steemit para sa mga Piipino. Maraming salamat @sndbox sa paghahatid ng mga napakamalalamang mga gawa! Lahat ng ideya at larawan, ay galing sa @sndbox.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
6 Comments