What is Steemit and how this platform works? A video campaign for Steemit and Steemph to Filipino community....

Ano ang Steemit? At Paano kumita dito?

Ang Steemit ay isang blogging at social media platform kung saan maaring mag-post ng mga original na likha ang mga users nito. Sa steemit kikita ka sa pag-babahagi ng talento, pagbibigay ng komento sa kapwa Steemit user, pag-sali sa contest mula sa mga kapwa user ng Stemit, at pati na din ang pag-upvote(o katumbas ng pag-like sa Facebook).

Sino ang nag-tayo ng Steemit at bakit?

Ang Steemit Inc. ay itinayo nila Ned Scott and Dan Larimer. Ang kompaniya ay naka-base sa New York City, America. Inilabas sa Internet ang steemit.com noong July 4, 2016.

maxresdefault.jpg

Youtube.com:

Ang Steemit ay ginawa para bigyan ng pagkakataon ang mga ordinaryong mamamayan na kumita ng cryptocurrency(digital money) gamit ang kanilang talento mula sa pag-popost ng sariling gawa na mga articles, blog, tula, kwento, pag-gawa ng video sa pag-kanta, pag-sayaw, pag-tugtog ng mga instrumento, at art tutorials.

Ang daming pwedeng i-post diba? Well, hindi pa yan diyan natatapos dahil pwedeng-pwede din natin ibahagi ang talento natin sa pag-kuha ng litrato, pag-shashare ng mga recipe para sa mga mahilig magluto, talento sa panahi o pag-buburda. Maging pag-gawa ng mga eskultura, pag-buo ng robot at iba pang klase ng talento, kahit ano basta original na gawa mo ay pwedeng ibahagi dito at pag-kakitaan.

AAEAAQAAAAAAAAdJAAAAJDBiYmE3NDhmLWZiZTctNDNkMC1iNGM4LWFiMTFiZTBhYzQyYQ.jpg

Linkedin.com:

Anong klase ng rewards at saan galing ang mga ibinibigay sa social platform na Steemit?

Ang bawat halagang kinikita ng isang Steemit user ay galing sa kapwa niya Steemit user, o sarili nilang upvotes at nahahati naman sa dalawang klase ang mga rewards na maaring matanggap ng isang user, ito ay ang SBD at Steem Power.

Ano ang Steem Backed Dollar o SBD?

Ang SBD ay isang uri ng cryptocurrency o digital money na maaring ipag-palit sa iba pang uri ng cryptocurrency, halimbawa nalang ng BITCOIN. Kapag ang SBD ay naipag-palit na sa BITCOIN, pwede na itong i-palit sa pera ng Pilipinas gamit ang application na Coins.ph.

Balikan natin mamaya ang explanasyon sa Coins.ph app, mag-patuloy muna tayo sa pangalawang klase ng rewards. Alamin muna natin kung ano naman ang STEEM POWER?

Sa Steem Power nang-gagaling ang halaga na mai-aambag ng isang user sa pag-UPVOTE(o pag-like) sa isang post ng kaniyang kapwa user. Pwede din itong gamitin ng user para i-upvote ang sariling post o comment.

coins.png

Literacybase.com:

Ituloy natin yung binanggit kong Coins.ph kanina, ano ang Coins.ph…

Ang Coins.ph ay isang digital wallet. Sa ngayon, Coins.ph pa lamang ang digital wallet dito sa Pilipinas na tumatangap at nag-coconvert ng digital money tulad na BITCOIN. Dito, pwedeng ipalit ang BITCOIN kapalit ng PESO, at PESO kapalit ng BITCOIN. Walang bayad sa pag-download ng application na ito sa Apple at Google Play Store.

Paano i-cash out ang digital money na nasa loob ng digital wallet na ito?

Maaring i-cashout ang iyong digital money na naipa-palit na sa peso sa mga banko o remittance center. Napakadali lang gamitin ng app na ito!

Ngayong naintindihan na natin kung paano kumita sa Steemit at paano i-cashout ang digital money na rewards sa social media platform na ito ay alamin naman natin kung paano maging isang user o content creator. At kung… may bayad ba ito?

dWeqg.gif

Popkey.co

Gumawa lamang account sa website na steemit.com. Ang pag-sign up sa social media platform na ito ay walang bayad! Ang kailangan lamang ay ang talentong ibabahagi mo, cellphone o laptop, internet connection. At Coins.ph wallet account para mai-cash-out ang posibleng kita.

Sa kasalukayan, may limang daan ng Pilipino ang aktibo sa Steemit. At madami na sa mga kababayan natin ang nag-tagumpay sa pag-babahagi ng kanilang mga natatanging kakayahan sa social media platform na ito. Kabilang na dito ang mga bumubuo sa isa sa mga aktibo at matagumpay na komunidad sa loob ng Steemit, ito ang Steemph.

steemphfooter.png

Ano ang Steemph?

Ang Steemph ay isang non-profit na organisasyon taglay ang apat na pangunahing layunin:

Mision:

  1. Ibahagi ang STEEMIT platform sa pamamagitan ng pag-kakawang gawa.
    Nais ng Steemph na bumuo ng isang matatag na komunidad mula pag-suporta sa pag-papaunlad ng iba pang mga grupo sa loob at labas ng Steemit. Sa mga paraan na gaya ng mga sumusunod:
    Pamamahagi ng mga libro, pag-bibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan, pag-punta sa mga tahanan ng mga inabandunang mga bata, lolo at lola. Ang mga gawaing ito ay ilan lamang sa mga proyektong pag-tutuunan ng pansin sa loob ng komunidad ng Steemph.
  2. Iparating sa nakararami ang Steemit sa pamamagitan ng pakikipag-isa sa mga media outlets sa larangan ng babasahin, web, radyo, at telebisyon.
    Nais din naming dumami ang mga taong mabibigyan ng pagkakataon na makilala ang Steemit. Silang mga nasa loob pa ng ibang social-media platforms gaya ng Facebook, Wordpress, Tumblr, Twitter, Instagram at iba pa— para mai-share ang mga biyayang taglay ni Steemit sa mas malaki pang bilang ng mga Pilipino.
  3. I-guide ang mga baguhang Steemit users.
    Sa tulong ng mga activity na unang nabanggit ay inaasahan naming makakahikayat pa ang mga ito at mas marami pa sa ating mga kababayan ang gagawa ng account sa Steemit. Dahil dito, ang Steemph ay handang sagutin ang mga tanong, at ibang pang kailangan, para mapatibay ang pag-tutulungan sa loob ng komunidad.
  4. Magbigay inspirasyon sa mga Pilipino na gumawa ng mataas na kalidad na mga post. Isa sa mga proyektong ginawa para dito ay ang #artguildph na nasa ilaim ng curation, at may mga pa-contest na pwedeng salihan ng mga may talento sa pag-gawa ng art.

Vision:

Mapalawak pa ang komunidad ng mga Pilipino sa Steemit sa pamamagitan ng mga gawaing mag-papatibay sa samahan ng mga Pilipinong Steemit bloggers.

Ilan sa mga kaunaunahang proyekto na sinuportahan ng Steemph mula noong taong 2017…

STEEMPH in Action: First Mission- #HelpMarawi

Project Alinaga: Arts and Music Therapy/noong Sept.23,2017/sa Cecilio Apostol,Caloocan City

World Food Day/noong Oct.15,2017/ sa Mandaue City, Cebu

Project Alinaga: Music And Arts/noong Nov.21,2017/ sa De Lasalle University Dasmariñas, Cavite

STEEMPH outreach for Typhoon VINTA in Cagayan De Oro/noong Dec.26,2017/sa Macasindig Evacuation Center, Tambo, at Barangay 13 La Consolacion

Ang pamilya ng Steemph ay hindi lamang binubuo ng mga Malinenyo. Bukod sa steemph.manila na para sa mga siyudad sa loob ng metromanila at karatig probinsya nito ay nakarating na din ang Steemph sa malalayong probinsiya ng Pilipinas. Meron na ngayong steemph.cebu, steemph.iligan, at kailan lang ay nabuo na din ang steemph.davao.

Paano magiging isang miyembro ang isang Pilipinong Steemit user sa komunidad ng steemph?

I-download lamang ang app na Discord at gamitin ang inivitation na ito… https://discord.gg/dmj99yB para makapasok sa chat group ng Steemph.

Sa chat group na ito, pwede mag-post ng links, mag-promote, makipag-kilala sa mga kapwa Pilipinong Steemit blogger. Doon maari kang tulungan at i-assist ng isa sa mga Steemph members. Ang Discord ay hindi lamang simpleng chat app, ito ay may voice channel kung saan hindi lamang pag-chachat ang maaring gawin. Madalas ay may kantahan ang mga users nito. Madalas nagkakaron ng mga palaro gaya na lamang ng Pinoy Henyo. At ang bawat palaro ay ito may SBD na naghihintay para sa mananalo.

Ang Steemph ay hindi lang isang ordinaryong grupo dahil pamilya ang turingan sa bawat isang miyembro sa loob nito. Walang qualification para makapasok. Voluntaryo din ang pag-sali sa mga charity at outreach event, walang pilitan. Nais lang namin ay isang positibo, masaya at may respetong samahan mula sa mga core hanggang sa mga bagong Steemit user.

Sana ang simpleng video na ito ay nakatulong sa inyo na maintindihan ang social media platform na Steemit. Napakalaking tulong ng webisite na ito sa mga kababayan nating Pilipino na naghahanap ng lugar kung saan malaya tayong is-share ang mga hilig o talento natin, at maari pa nating pagkakitaan ito. Kaya hihintayin namin kayo na gumawa ng account at sana ay makasama din namin kayo sa komunidad ng Steemph.

Hanggang sa susunod na video, paalam muna sa ngayon! <3

monkeypattycake.png

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
70 Comments