Filipino Fiction : Tagalog Serye XI : Unang Bahagi ng Unang Pangkat/ "Dinuguan"


Tanghaling tapat, ang init ng araw ay pumapaso sa balat ng mga magsasaka sa baryo ng San Juan.

Payak ang pamumuhay ng mga tao roon. Madarama ang malamig na ihip ng hangin at maamoy ang mabangong aroma ng kape na bagong timpla sa paligid.

Screenshot_2018-08-29 Into The Horizon photo by Benjamin Davies ( bendavisual) on Unsplash.png

Photo by Benjamin Davies on Unsplash

Umaga na naman. Bagong simula para sa lahat, perkpetong bayan na sana ang San Juan dahil sa nabanggit ngunit hindi, ito ay sa kadahilanang kontrolado parin sila ng mapang-abusong mga Kastila. Isama pa ang mga prayle na panay si Hesu Kristo at sundin ang simbahan ang laging bukambibig. Kapag ikaw ay sumuway, susunugin ang iyong kaluluwa sa impyerno.



Masayang naglalaro si Ineng sa may kabukiran kasama ang kaniyang pusa na si Muning.

Sampung taong gulang siya at mapapansin na hindi pa hubog na hubog ang kaniyang katawan. Ngayon palang nagsisimulang lumaki ang kanyang dibdib na tanda ng pagdadalaga.

Si Muning naman ay 3 buwan pa lamang kulay itim ang kanyang balahibo at ang mga mata ay asul at berde. Walang may alam kung bakit ganoon ang kulay ng kaniyang mata ngunit sabi ng mga matatanda ito daw ay swerte.

Gamit-gamit ang hibla ng damo na kaniyang kinuha sa kabukiran nilaro niya ang pusa gamit nito. Kiniliti nya nang paulit-ulit hanggang sa sya ay mapagod na sa kakalaro.

Magandang bata si Ineng at lubhang kinagigiliwan ng lahat lalo na ng kaniyang mga kapitbahay. Sa tuwing magdadala siya ng binalot sa bukid para sa kaniyang ama ay isang napakatamis na ngiti ang kaniyang ibinibigay sa lahat.

Ang kaniyang ngiti ay nakakapawi sa pagod ng mga magsasaka at sa mga Katipunero na nagtatago sa lugar. Langit na sa lupa ayan ang kanilang paliwanag

Matapos maglaro at dalhin ang tanghalian para sa kaniyang ama. Napagpasyahan na niyang umuwi sa kanilang tahanan.
Bawal siyang abutin ng gabi sa daan dahil may mga mamamatay tao daw na pakalat-kalat ayon sa kaniyang ina.

Baka rin siya mahuli ng mga Kastilang nagpapatrolya sa daan. Masugid na sinunod ito ni Ineng ngunit sa tuwing siya ay uuwi, palagi parin siyang nahahambalos ng kaniyang madrasta dahil daw sa puro laro lamang siya.

Screenshot_2018-08-29 Bell tower photo by Floris Jan-roelof ( florisjanroelof) on Unsplash.png

Photo by Floris Jan-roelof on Unsplash

Tumunog na ang kampana. Hudyat ito na alas-sais na ng gabi at kailangan magdasal ng Angelus.

Kalong-kalong si Muning, nanakbo na si Ineng dahil sa kailangan na niyang makauwi para magdasal.
Hindi mapakali ang munting alaga niya at ito umalpas sa kaniyang bisig. Tinungo niya ang talahiban at doon nakita niya ang isang lupon ng mga tao.

Mga kastila at isang katipunero.


Malalakas ang tawa ng mga Kastila habang sinusuntok nila ang Katipunero. Maiitim na ang kanyang mga mata makikita ang pasa sa buong bahagi ng kaniyang patpat na katawan.

"Patayin niyo na ako! Wala kayong mapapala sa akin!" Sigaw ng Katipunero.

"Huwag kang mag-alala darating ka din diyan. Sa ngayon ay dito ka muna sa amin at marami pa tayong pag-uusapan" Ani ng isang Kastila.

Nanlilisik ang mga mata ng Katipunero habang tinitignan ang mga dayuhan.

"At ang tapang mo pa! Huwag mo kaming tignan ng ganiyan hamak na alipin ka lang." Singhal ng isa pang Kastila na nakasuot ng kakaiba. May estrelyas ang kaniyang uniporme, tanda na isa itong Heneral nila.

Gamit ang kutsilyo na nasa kaniyang baywang, sinaksak niya ang dalawang mata Katipunero na nakaluhod sa kanilang harapan


Image Credits

Isang malakas na sigaw ang narinig. Ngunti walang tumugon kahit isa.

" Asan ang mga kasama mong hayop ka!" Dumadagundong na sigaw ng Heneral.

"Patayin niyo na ako! Wala kayong makukuha sa akin!" Muling sigaw ng Katipunero.

Tumutulo na ang dugo sa kaniyang mga mata. Itinaas ng Heneral ang kaniyang kanang kamay at kinuyom. Magkakasunod na suntok sa mukha ang kaniyang natanggap.

Dalawa sa kaniyang mga alipores ay hinawakan ang magkabilang bahagi ng braso ng kawawang binata at ang isa naman ay hinawakan ang ulo. Pinilit nilang ilabas ang dila ng pobreng Katipunero at matapos noon ay gamit ang kutsilyo ng heneral ito pinutol.

"Ngayon! Hindi na ka talaga makakapagsalita" halakhak niya.

Pakawalan na iyan! Wala nang pakinabang sa atin.

Niluwagan ng mga Kastila ang hawak sa rebelde na ngayon ay duguan na. Iikaika siyang naglakad palayo dahil narin sa bugbog na natamo kanina.

Muli itinaas ng heneral ang kaniyang kamay at kinuyom. Matapos nito ay inilabas ng mga Kastila ang kanilang mga tabak at nanakbo patungo sa naglalakad na Katipunero.

Isang malakas na taga sa tagiliran, at sinundan ng kaniyang pagkabagsak. Hindi pa sila natapos at inisa-isa ang kaniyang mga daliri sa paa at kamay na hiniwa din. Ang berdeng talahiban ay napintahan ng pula.

Maririnig ang mga alulong sa halang na kaluluwa ng mga Kastila . Napakaraming taga pa ang sumunod, hiwa sa braso, sa binti at sa tuhod. Nagkahiwahiwalay bahagi ng katawan ng katipunero. Ngunit siya ay humihinga parin.

Gumapang siya palayo ngunit nawawalan na siya ng lakas. Putol na ang kaniyang braso at binti binuhat siya ng Heneral hawak hawak ang kaniyang buhok at matapos noon ay pinugot ang kaniyang leeg.

Gumulong ang kaniyang ulo malapit sa pwesto ni Ineng. Hindi na nagabala pa ang mga Kastila na habulin ang ulo at sila ay umalis na sa pinangyarihan ng kaganapan.

Napanood ng musmos na bata ang bawat detalye nito hanggang sa paggulong ng ulo nito sa kaniyang kinalalagyan.

"Ang ganda!" Sambit ng bata habang minamasdan ang pugot na ulo ng Katipunero. Kumikinang ang mga mata at nakangiti sa walang buhay na nilalang.



Gore ang temang T-Serye namin ngayong Linggo at sa totoo lang ang hirap nya para sa akin lalo na ang mga larawan. Mabilis akong matakot at madiri sa may kulay. Bahala na kayo sa imagination ninyo kung ano ang nakita ni Ineng sa parang.

Ipinapasa ko na ang kwento sa mga kasamahan ko sa team na sina @twotripleow, @czera at @chinitacharmer

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
15 Comments