If you’ll never try, you will never know:Team Philippines Grand Meet Up Event

Camera HDR Studio - 1501985400766.jpg

Photo from @cloh76 . Thanks for letting me grab your photo.

I did something unusual yesterday, attended Team Philippines event and it was one of the right choices I made this year so far!!!

The party started at 5pm, pero 3pm may nakasalang pa na labahan si Inday(me) sa washing machine. Sigurado akong pupunta ako pero dahil slightly hindi ako sanay lumabas ng bahay napanghihinaan ako ng loob. Dagdag mo pa ang pang aasar ng boyfriend ko habang gumagayak ako. Akalain mo yun nakapagluto pa ko ng late lunch namin at 1pm at natapos ko ang labahin ng 4pm. One hour preparation, yes I know nakaT-Shirt lang ako pero nagprepare na ako nun. Like yung kilay, dapat on fleek yan kahit san magpunta diba mga ateng?

Nakarating naman ako ng maayos sa event at di naman din naligaw kasi handa naman kay google map. Medyo awkward pagpasok kasi wala akong kilala. So ayun naki-upo ako sa table nila @antonette @haleyaerith ng hindi nagpapaalam. 😂 Buti nalang mabait ang dalawang binibi.

Nasabi kong this is one of the great choices I made this year kasi ang dami kong natutunan. Iba kasi pag binabasa mo sa blogs at pinapanuod mo lang sa Youtube dun sa naririnig at nakikita sa personal. Attentive talaga akong nakinig sa lahat ng nagbahagi ng kaninkanilang kaalaman, kila @devereei @cloh76 @sasha.shade @surpassinggoogle @jeanelleybee . At syempre si Miss @luvabi na grabe sa effort with @grazz . Ang tiyaga nila talagang nilapitan mga gustong magtanong. Lalo na nung nagpapalitan na ng sagot sila @surpassinggoogle @sasha.shade sa mga nagtatanonong na mga newbies. Nakatatak talaga sa utak ko lahat ng mga tinalakay. Mula sa pagiging creative sa content bilang baguhan, hanggang sa kung paano gagamitin ang whaleshares na kagabi ko lang din nalang talaga naintindihan. Sa mga hindi pa rin alam ang gagawin, eto ang link from luvabi’s Complete guide to whaleshares

Very thankful ako na umattend ako dito. Sulit talaga kaya salamat sa mga nasa likod nito. Iba ang ambiance pag creators, visionaries ang mga nasa paligid mo. Hindi nakakapagod pumalakpak sa mga kahanga hanga nilang mga talento at pananaw kasi alam mong they deserve it!

DQmbBW5pnVWKsFyNciW5aBhAxKALeb8GFi8K5nwa94KCgf2_1680x8400.jpg

Photo credits to @wilbejel Thank you!

Unexpected pang nanalo din ako sa raffle. 1st prize for 100 beyondbits. @devereei for 2nd price and @craftech for 3rd price. Ang cute ng mga batang ito! Thanks to the generosity of @officialfuzzy for sharing his blessing with us .

Aattend pa ba ako sa next team philippines meet up? Syempre naman! Worth it guys, uulitin ko. WORTH IT!!!!

IMG_20170806_192322_893.jpg

Selfie with @antonette at isang bagong kaibigan(Blue lights parang avatar lang ako diyan! ). Hindi pa daw kasi naverify ang account niya kaya waiting ang profile ni kuya. Pero it’s good na umattend na siya sa event diba? See you around here buddy!

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
26 Comments