My ULOG Day #3 | Encash my SBD to buy a Shoes of my niece (tagalog post)

Great day my fellow steemians welcome back to my ulog day #3.

PicsArt_05-22-06.44.32.jpg

LRM_EXPORT_20180522_183332.jpg

Ngayong araw nag encash ako ng aking SBD para mabilan ng sapatos ang aking pamangkin. After ma encash sa cebuana ang perang nakuha ko sa steem dumiretso kami sa E-home upang doon bumili ng sapatos. Masaya ako na masaya siya sa sapatos na binili ko para sakanya.
LRM_EXPORT_20180522_183539.jpg

LRM_EXPORT_20180522_183704.jpg

Naalala ko tuloy noong bata pa ako malayo pa ang araw ng pasukan pero mas excited pa ang papa ko na bumili ng gamit naming magkakapatid sa eskwelahan. Naalala ko tuwing kami ay yayayain niyang mamasyal tapos pupunta kami sa mall para bumili ng mga bag, sapatos at notebooks at iba pang mga kailangan naming mag kakapatid sa eskwelahan. Kaso hanggang alala nalang dahil maaga din kinuha ni lord si papa. Marami na akong pagsubok na pinagdaanan pero okay na din yun dahil alam ko na naging dahilan yun para mas maging matibay at ipagpatuloy ang buhay.
Ngayong wala na si papa gusto ko naman na iparanas sakanila ang ganitong mga bagay. Isang thank you tita lang masaya na ako. 😊
LRM_EXPORT_20180522_183415.jpg

Nabili ko pala ang sapatos na ito sa E-home sa halagang Php257.00 pesos mura lang siya pero tahi na yung swelas kaya matibay tsaka sa murang halaga napasaya ko naman itong batang to. 😊😍
Nag papasalamat ako sa steemit dahil may ganitong opportunity para sa katulad kong nasa bahay lang pero kumikita online, at nag papasalamat din ako sa mga taong tumutulong sakin. Naway i-bless pa kayo ni God.
Maraming salamat din sa aking mga mambabasa 😙 follow niyo nalang po ako thanks

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
6 Comments