"Hoy! Bumangon na't hindi gigilinging magisa ng bato ang galapon! Kung hindi ka magbabanat ng buto, wala akong ipangtutustos sa pagaaral mo." Wika ni tiya Maring ika-apat ng umaga.
Maaga pa rin ako gumigising nasaan man sa mundo bilang inhenyero. Salamat tiya sa pagaruga ng ulilang pamangkin.
Dahil sa layuning mas mapagbuti and pagbabahagi ng aking lahok sa patimpalak na ito, pinagsumikapan kong matutunan na gumawa ng isang "video" na may "effect" ng tila nagmamakinilya. Sa baba ay ibabagagi ko kung papaano ko ito ginawa gamit ang "powerpoint".
Mga Hakbang sa Paggawa ng "Video" mula sa "Powerpoint"
- Magbukas ng isang pahina ng powerpoint
- Magdagdag ng larawan >Insert>Picture>Piliin ang Larawan
- Idagdag ang mga Letra at tunog >Insert>Word Art/Audio>Type the Text/Choose the Audio File
- Idagdag ang "Effect" na Nagmamakinilya >Animation>Appear>Animation Pane>Effect>By Letter
- Pagpapalit mula sa "PPT" sa Video">File>Export>Create Video>Create Video
Salamat sa pagbabasa at nawa'y nagustuhan ninyo and kwento at ang bago kong natutunan sa paggawa ng "video" mula sa "powerpoint"