#6 Filipino Poetry: "Halina" (PowerUp Poem)

"Halina"

Magmula noong
araw na ikaw ay nagpaalam,
Luha ang nagsilbing salita para
maipakita ang nararamdaman
At sa tuwing di ko kaya ang sakit,
Ngiti ang panakip para maitago
ang hinanakit

Pagkabalisa ang tanging
mailalarawan ko sa aking sarili
Kalungkutan ang laging kaagapay
Paghihinagpis ang laging nakukuha
Walang ibang magawa,
nag-iisip at binabalikan
ang nakaraang puro ligaya.

Kung saan ang presensya mo
ay nadarama pa
Nagbibigay ng kilig
at tamis na ngiti
Ngiti mong mala-bahag hari
ang kulay
Sing tingkad ng dyamante
ang kasing ganda ng ibong adarna
At hindi ko kailanman
makakalimutan
ang mga mata mong mapungay
at mga tawa mong hindi kailanman
mapapalitan

Ang kawalan mo ay parang
tiwala ko na nawala sa
anumang bagay na nagpapasaya
Ang kalimutan ka ay napakahirap
na parang kinakalimutan
ko ang aking importansya
Pag-naalala ka,
parang ang mga kulay na masigla
ay nagiging malamya
Ang ibigin ka ay
ang pinakamasakit
na nangyari at nagawa.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

"best of time"

Previous Filipino Poetry

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
12 Comments