"NASAAN KAAAAA?!?!?!" Sigaw ni Elsa sa bandang dulo ng bangin sa ibabaw ng bundok ng Tralala. "Kaaa kaaa kaaa..." sagot ng alingawngaw nya.
"Magpakita ka naaaaa!" Napaluhod siya sa kalungkutan matapos ilabas ang saloobin at napatingin sa bangin na animnapung talampakan o mahigit pa ang lalim.
Sa ibaba ay naroon ang maasul-berdeng dagat na tila tinatawag siya sa ganda ng mga alon at kulay nito. Napakaganda ng sikat ng araw at ang sarap ng simoy ng hangin pero parang may papalapit na maiitim na ulap sa di kalayuan.
Tatalon na sana siya nang marinig niya ang mahinang tawag na "Elsa..." Napalingon siya sa likuran nya, mag-isa lang ang binatang si Elsa sa bundok ng Tralala. (Ay teka babae daw po pala si Elsa. Saglit lang, mamaya pagtalon niya sirena na daw siya. Oooops spoiler alert. Charrr.)
"Sino ka? Bakit mo ako tinatawag?" Mapang-utos niyang tanong sa mala-Prince Charming na boses. Boses pa lang ulam na.
Magpakita ka lintik kaaa, nasaan na si jowaaa, magulong isip ng mala-dyosang si Elsa. Sa haba ng buhok nya tiyak magkakandarapa ang kahit sinong lalake sa balat ng tinalupan. Kaso nasa bundok siya kaya paano makakakita ng ibang lalake?
Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad kaunti palayo sa bangin. Sinipat niya ang di kalayuan. Kahit saan siya tumingin puro mga damo, puno, lupa at mga batu-bato ang nakikita nya. Parang dumidilim pa yata at malapit na umulan bigla.
"Ay bakla, ako ang iyong konsensya hayup kaaah." Nanlaki ang mga mata ng binabae at halos mapaduwal kaya natakpan niya ang kanyang bibig. Umayghad, nababaliw na yata si Elsa, kinakausap na siya ng kanyang konsensya. Hindi naman siya nagse-Safeguard.
Naramdaman niya ang lumalakas na hangin. Parang uulan n. "Bumaba ka na nga ng bundok at lumayo ka diyan, baka mahulog ka hindi ka naman marunong lumangoy." Sabi ng kanyang baklang konsensya.
"Hindi ikaw ang kailangan ko konsensya, lubayan mo akooooh!" Nagtititili siya sa inis. "Hinahanap ko ang jowa ko naiintindihan mo ba?! Sabi niya babalik siya pagkatapos niya umakyat dito sa bundok ng Tralala..." Padabog siyang bumalik sa gilid ng bangin, "...pero nasaan na siyaaaa?" Matinis at pakanta niyang tanong na akala mo'y si Regine Velasquez. "Nasaaaaan?!" Aaaan... aaaan...
Maya-maya'y lumakas ng todo ang hangin, halos maitulak siya ng puwersa nito papunta sa bangin.
"Gaga ka kasi, bakit mo pinakawalan ayan tuloy nakatakas."
"Manahimik ka konsensya, tatalon ako at hindi mo ako mapipigilan!!!"
"O sige tumalon ka, akala mo magiging sirena ka? Hahahaha, palaka ka, sige talon na!!!" Biglang kumulog at kumidlat at natalisod si Elsa sa direksyon ng bangin.
"AAAAAAAAAAYYYYYY!!!" At nahulog sa bangin si Elsa. Ang tanging maririnig na lamang pagkatapos ng mahaba niyang tili ay ang pagtilamsik ng dagat sa ibaba at ang pagkulog muli at pagkidlat ng kalangitan.
Nagsimulang bumagsak ang mabibigat na patak ng ulan at mistulang maaninag ang hugis ng isang tao. Inalis nito ang mahiwagang balabal na ninakaw kay Harry Potter.
At wala nang ibang maririnig pa sa ibabaw ng bundok Tralala kundi ang mala-kontrabidang tawa ng jowa ni Elsa.
~ wakas ~
maikling kuwento na may 499 na salita
Yan, dito sana kami pupunta sa Bataan e kaso di natuloy. Naunsyami ang Holy Week beach outing ko. Huhu.
Manood na lang tayo ng Biyahe ni Drew.
"Bebe Drew! Amishuuu!" Feeling close. hahaha.
So anyway sa tingin nyo, buhay pa kaya si Elsa? 😂
XOXO,
@artgirl
WARNING:
Spam comments will be FLAGGED / DOWNVOTED if it is not revised upon warning.
Images are copyright by their respective owners.
All rights reserved.
Written by @artgirl for Steemit.
© Art x Stephanie Rue
@artgirl is a freelance artist and also a real estate agent for resort-type condo communities in Metro Manila.
For any art or property inquiries, you can chat me up on steem.chat or send me a Facebook message. Link in my bio.
For more of my latest posts still within the 7 day period upon posting this, do check below:
♣ Mag-Tagalog Muna Tayo Mga Bessss (Barya meron sa loob, haha.)
For my art, writings and other posts, feel free to check my blog page.
Like it?
Upvote, Follow and Resteem for appreciation.
♥ Thanks! ♥