Mag-Tagalog Muna Tayo Mga Bessss (Barya meron sa loob, haha.)

Sorry to my English only "fans"... for now, I will write in my language. Hahaha. šŸ˜‚ Charot, followers pala hindi fans. hahaha.

Anu na mga bes. Wala ako ma-post eh. Gusto nila ng quality wala naman naga-upvote na whale pag quality. Bitterness. Wahahaa.

Gusto niyo ba ng more pera? Ayan bigyan ko kayo ng pic ng pera, pera ko yan mga 2 yrs ago pinicturan ko lang over my SkinTatz temp tatts na tinitinda ko dati.

IMG_20160711_212157.jpg

Ang mag-resteem nito suswertehin at magkakapera in 3 days.

Hahahaha! šŸ˜‚šŸ˜‚šŸ˜‚ Pero di po galing sa akin... hindi ko alam kung saan manggagaling. Ihuhulog na lang ng langit. šŸ˜‚

Mukha na tayong pera mga bes. Hahaha. Pera pa more. Lahat tayo gusto ng more pera. May bago na namang labas na barya o if hindi niyo pa alam (kagaya ko). Panoorin nyo 'tong YouTube vid ng Bangko Sentral.

Ano yung kapa-kapa tsaka tayabak plant? My gasss wala akong alam. hahay. Ang alam ko lang yung waling-waling. Nasa 10 sentimos ata yun noon? Mga halamang wala ako alam. Wala naman kulay yung bagong barya bat ganyan tas bakit ganun itsura ng mga heroes? Parang nahirapan yung nag-drowing. Peace

Ay naku naglabas ng bagong barya parang mas gusto ko pa rin mga lumang barya. Buti na lang pwede pa rin gamitin.


Ano ba'to wala masyadong katuturan na post. Wala po ako sa mood gumawa ng blog. Napagod ako kaka-blog sa kabilang earning site. Aba tatlong linggo ko yun trinabaho uy. Grebeh. Pero sulit naman at least naging top 1 earner ako doon. Kaso dahil nakamit ko na ang top spot... ayun naubusan na ako ng motivation to blog. Hahaha.

So ayan, Tagalog time muna ako dito.

Ano pa ba isusulat ko? Yung pa-kontes ko s Monday, nakow mangangalap na ba ako ng sponsor? Or solo ko i-sponsor? Hahaha. Or saka na ako mangalap ng sponsor pag na-post ko na? Ayoko manghingi ng sponsorship s mga balyena/orka. Ewan ko ba.

Anyway, gagawa ba ako ng maikling kwento? May Paligsahan sa paggawa ng Maikling Kuwento by steemph.cebu eh. Sasali sana ako kaso di naman ako magaling mag-imbento ng kwento. Kwentong kutsero? šŸ˜‚

image.png
(source)

Sino'ng bored? Taas ang kamay! Huwebes Santo nasa bahay lang ako. Whew. Gagawa ba ako ng maikling kwento o gagawa ng maikling kwento? šŸ˜‚ Teka post ko kaya yung short story ko noon sa college ano? English nga lang yun... yata.

Hmmm... Napaisip ako. :P

XOXO,
@artgirl


IMG_20180216_065807_20180216070540108.jpg

WARNING:
Spam comments will be FLAGGED / DOWNVOTED if it is not revised upon warning.

Images are mine unless stated otherwise.

All rights reserved.
Written by @artgirl for Steemit.
Ā© Art x Stephanie Rue

@artgirl is a freelance artist and also a real estate agent for resort-type condo communities in Metro Manila.
For any art or property inquiries, you can chat me up on steem.chat or send me a Facebook message. Link in my bio.

IMG_20180216_065807_20180216070540108.jpg



For more of my latest posts still within the 7 day period upon posting this, do check below:











For my art, writings and other posts, feel free to check my blog page.

image.png

my-Bitlanders-banner2.gif



Like it?
Upvote, Follow and Resteem for appreciation.

ā™„ Thanks! ā™„

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
29 Comments