Si Toto at Si Junjun - TagalogLogo: Patimpalak ng Paglikha ng Logo at Avatar

Magandang araw sa lahat! Naalaman ko ang tungkol sa patimpalak ng @tagalogtrail na paggawa ng avatar na sina Toto at Junjun.


totojunjun.png


Simple lamang ang mga patakaran sa patimpalak na ito, guguhit lamang ng avatar na magpapakita ng mga sumusunod:

♥ Si Toto - Isang pabebeng binata na may hawak na chips na nakasando at shorts
♥ Si Junjun - Huguterong pinsan ni Toto na may hawak na ruler na paminsan ay panukat, minsan ay pamalo

Ang disenyo ng mga avatar ay parehas sa disenyo ng aming mga karakter sa larong 'Takipsilim'. Ang disenyong ito'y nagustuhan ng aking mga ka-team kaya nama'y naisipan kong gawin itong reference sa aking gagawing avatar na sina Toto at Junjun.


Toto


toto.png


Pabebe - tuwing naririnig ko ang pabebe, ang una kong naiisip ay mahilig magpa-cute, mahiyain at bukod sa lahat, mahinhin. Kaya nama'y naisipan kong lagyang ng blush si Toto. Ang porma din niya'y tulad sa mga dandere, mahiyain, at tila parating nagtatago. At dahil hilig kong kumain ng Crispy Patata noong ako'y maliit pa, ito'y aking ginawang reference para sa chips na aking guguhitin.


Junjun


junjun.png


Kapag nama'y sinabing hugutero, ang unang pumapasok sa isip ko'y chick boy. Kaya nama'y ginawa kong kulay tae brown ang kulay ng buhok ni Junjun at pahaba ang mata, o chinito. Dahil karamihan sa mga babae na mahilig umidolo sa mga Koryano, marami ring mga lalaking nagpapaka-Koryano :>
Karamihan, hindi ko nilalahat :>


Dito na magtatapos ang aking post dahil nauubusan na ako ng tagalog. Maraming salamat! Sana'y nagustuhan niyo ang aking mga avatar! Sa uulitin ♥


All images were drawn and edited by @kothy

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
22 Comments