This is for great dads with greater sons!
"Amang"
Malamig na hangin ang
humahampas sa akin
Ilang araw nga pangungulila
sa Itay na dakila
Parang yung buhay namin ay
isang larong tago-taguan
Naaalala ko pa, sinasamahan
mo ko para maglaro ng kasama ka
Ang kabataan ko ay masaya
na kapiling ka.
Mga gigil sa tuwing ikay nakikita
Lahat ay importante
pag-galing sa'yo Ama
Sa matang naghihintay
ng mga surpresang nakakabuhay
Yung una kong saranggola
unang bagsak sa lupa
Sinabihan mo pa nga ako
"Anong ginawa mo?"
Pero nakangiti ka habang
pinapagalitan ako
Iiyak na sana ako
Pero niyakap mo at
tinaggal ang dumi sa mukha ko
Ngayon, ang buhay binata
ay napakahirap
Sa ilalim ng ulap na puro pangarap
Tinuruan mo ko
kung anu ang tama
At nang hindi lumaban
kapag may umaaway na kapwa.
Ang paghihirap ay
naging pundasyon para tumayo
Sa bawat pagdapa
inaabot mo yung kamay mo
Tinatatak ang tapang
at ang tibay ng kalooban
Sa hindi inaashang pangyayari
biglang nag-iba ang ihip ng hangin
Isang kislap ng mata bigla kang
nawala.
Hinahabol ko ang araw
wala na ang magiting kong magulang
Luhang pinipilit ibalik
sa pusong naghihinagpis
Sa huli, ang totoo ay nasa harap ko na
Napagtanto ko hindi ko kaya
pag wala ka sa piling.
Sana Itay, marinig mo man lang ito
Patawad dahil nabigo ako
Ang buhay ay wala ng kasiguraduhan
Nakaluhod ako ngayon
at ang emosyon ay nakakahon
Hindi ako makabangon
pero ginagawa ko ang lahat
Wag kang magalit pag ako ay iiyak
Kaya ko pa kayang lumaban, Itay?
Sabihin mo naman,
na-proud ka parin sa'kin.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry