"Dalaga Part 2"
Kahapon, naglakad kami at nagsalubong.
Galing akong kubeta, at galing naman siya sa kanyang silid-aralan.
Kinakabahan ako, talgang talaga.
Magkalapit na kami. Naamoy ko ang bango niya. Naninigas yung mga labi ko.
At naririnig ko ang tibok ng puso ko na malakas at mabilis.
Nanginginig narin ang mga tuhod ko.
Ngingiti kaya o sasabihing "hello"?
Sana makaya ko na gawin. Pero hindi, hindi dapat.
Baka magmukha akong desperada.
Ayun ang lapit na namin.
Kaya nagpanggap akong nakatingin sa gilid. Tumitingin sa mga bintana ng mga silid.
Tinitignan ang mga bagay na di importante. Yung studyanteng na ngumunguya ng gum. Mga bakas na makikita sa dingding. At kahit sa isang salaginto na gumagapang para lang di ko matitigan ang lalaking ito.
Dahil baka mahimatay ako o kaya kung ano pa mangyari sa akin.
Kapag nandiyan siya sa tabi, di ako mapakali.
Lahat ng parte naking katawan ay parang sumasayaw. Nagnakaw ako ng tingin sa kanya, nagdadasal na baka sakali tumingin din siya o ngumiti man lang.
Ngunit hindi, hindi siya ngumiti.
Hindi man lang niya pansin na nasa paligid lang ako. Nakikita ko siya parang may binubulong ang mga labi niya at para bang siya ay kumakanta.
Tignan mo ko. Sobrang mahina at kawawa. Hindi niya talaga napansin ang presensy ko. Nagawa niya pang kumanta. Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa isang dangkal na lang ang pagitan
Tumingin ako ng deretso
Nagkasalubong nga kami at nalagpasan ang isa't isa. Ang sarap sa pakiramdam, humaplos at nagdampian ang aming mga braso. Tumingin ako sa likod para makita siya. Hindi siya tumingin man lang. Nangangarap nga lang siguro ako na baka gusto niya rin ang isang katulad ko.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1