"Dalaga Part 3"
Ang gwapo niya, lahat sa kanya. Samantalang ako? Wag na lang...
Bagay na bagay sa kanya yung buhok niyang nakakalkag at ang hulma ng kanyang mukha ay perpekto. Ang angas din niya. Ang mga mapupula niyang mga labi ang lalong nagpapa-gwapo sa kanya.
Tipo ko talaga ang kanyang kayumangging balat. Ako? werdo, nagjojoke ng mga korni jokes. Tumatawa ng malakas.
Bumabasa din ako na mga nobela kaya nga siguro nerd ang tingin nila sa akin.
Hindi ako yung tipo niya. Sigurado ako, siguradong sigurado.
Mayaman siya, ako mahirap. Ang gagara ng mga suot niya at ang bag niya. Yung mga sapatos niya sa basketball ay mas mahal pa kaysa sa phone ko. Habang ako, nakasuot ng lumang pantalon, malawlaw na damit at sapatos na di bagay sa akin.
Talagang nakakaawa ako. Hindi niya mapapansin ang isang katulad ko. Yung pinakamagandang babae sa paaralan ay may pagtingin sa kanya. Pero wala siyang paki.
Siguro nasanay na siya na maraming nagkakagusto sa kanya. At kabilang ako dun.
Pantasya nga lang ba siya? Bakit ako ganito? Bakit siya pa? Hindi ko dapat sa tinitingala ng ganito. Sa halip na mag-stalk sa kanya, dapat nag-aral ako ng mabuti. Sa halip na kinatutuwaan yung pangalan niya at sinusulat sa aklat ko, dapat nag-aaral ako sa mga aralin ko.
Di ko siya dapat iniisip araw-araw. Dapat inuuna ko yung mga plato na hugasan o labhan yung mga damit ko. Pero anu magagawa ko? Kahit pilitin kong hindi, susulpot lang siya bigla sa aking isipan. Sa tingin ko, pag-ibig nga ito.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2