"Isang Pulubi"
Damit niyang punit-punit at wala man lang tsinelas
Isang nakakaawang nilalang sana namay matulungan
Mahabaging Ama, pagpalain mo sana siya!
Panay sa pag-abot ng kanyang sumbrero at lata sa iba
Lahat ng taong napapadaan, humihinto at tumitingin lang
May-iba na nagbibigay ng pera
Kahit kakarampot lang ay puwede na.
May iilan nagbibigay ng malaki
Laking ngiti ni kuya sa kanyang nakuha
Tumingala siya sa taas at parang may binubulong
Di ko man narinig, alam kong nagpapasalamt siya sa Panginoon
Malupit na panahon ay kanyang tinitiis
Ang kanyang buhay ay labis na naghihinagpis
Kontento na sa kung ano ang maaani
Mabuhay lang ng isang araw na may saya sa mukha
Bakit may mga taong nakakaranas ng kalupitan sa buhay?
Kinakaya nila kahit kasingbaba na sila sa lupa.
Munting pulubi pinagkaitan ka ng ilaw
Ngunit hindi ka sumusuko dahil habang may buhay may pag-asa!
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3