#18 Filipino Poetry: "Ikaw" (PowerUp Poem)

"Ikaw"

Hoy! Oo ikaw!
Gusto kita, sa lahat na meron ka.
Gusto kita, sa lahat na wala ka.
Yung mga titig ko sa'yo na pilyong pilyo ang dating
Ang nararamdaman ko pag nandiyan ka ay praning na praning

Parang yelo akong natutunaw
pag nagtatagpo ang ating mga tingin
Nanlalambot na mga tuhod parang matandang pagod na pagod
Lahat ng yan ay nararamdaman sa tuwing ngiti mo ay nasisilayan

Takot na namumuo sa aking isipan
na baka ikay lalayo pag iyong nalaman
Ano bang dapat na gawin? Gustong gusto kita
wala ng iba.

Baka bukas o sa makalawa sasabihin ko na
bahala na kung ano ang kinalabasan
Kung lalayo ka, okay lang
Kaysa magpatuloy akong magpanggap na wala kang alam.

Kung kasalanan man ang magkagusto sa'yo
Bahala na, basta gusto kita!


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
8 Comments