"Nag-iisa"
nakaupong wala ng pag-asa.
Sa isang madilim na kwarto
walang laman kundi ako
at aking kalungkutan.
Tahimik na paligid
walang kibo, walang imik.
Binuksan ko ang maliit na ilaw
at nagsimulang gumawa ng tula
Isang tulang dudurog sa iyong puso
at tatama ang iyong kaluluwa
Ang hirap mag-isip ng mabuti
ng mga magagandang pangyayari
Parang patay na ang utak
at ubod na nang tigang
Ako'y nag-iisa
sa buhay ko'y walang kasama
Minsan wala nang natitira at masakitin pa
Pero kinakaya ko,
palakad lakad na parang isang walis tambo
Marahil marami akong pinagsisihan
Pagod na ako, yung hininga ko ay pahina ng pahina.
Nakakadismaya ngunit may ibubuga pa
Nag-aantay ng ganti sa mga bagay
na hindi naman gustong mangyari.
Lumalaki ng bilog ng liwanag
May bagong umuusbong na buhay sa dilim
Ang tulang ito ay tapos na,
gaya sa isang tulad ko na nag-iisa.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Ikaw