#21 Filipino Poetry: "Sining" (PowerUp Poem)

"Sining"

Ako'y isang canvas ng isang larawan
Inukit ng mabuti at hinulma
Akay akay ako ng isang guro
Para lang maipakita sa inyo ang aking halaga

Mga batikang tao, ako ay ginawa
Leonardo Da Vinci sa ibang bansa
At Juan Luna sa ating lupa
Mga nakakaaliw na mga tinig ang iyong maririnig
Ako ay sining, iyong makakapiling

Marahil makakalimutan mo ako sa nakaraan
Pero hindi mo na ako maibubura sa iyong isipan
Hindi mo ako kinakanlong mag-isa
Ginawa mo ako para din sa iba

Hinihiling ko ng maigi
na ang mga tao ay titigil para sa akin
Ang katotohonay napapadaan lang sila
Sa isang lubak lubak na daan
at madulas na pagkakataon

Kapag darating na ang oras na kayo'y lalapit sa akin
Babalik ulit ako sa simula para kayo ang pagsilbihan
Ngunit mapait na pananaw sa iba'y binibigay
Ako ay isang sining, munting kalaaman ay ini-alay.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
3 Comments