"Mahal Kita"
Wala na akong iba pang hiling kudi ang mahalin mo rin
Gusto ko lang malaman mo na namimiss ko na yung ngiti mong maganda
Malayo man ang tingin, ikaw parin ang hahanap hanapin
Habang nakatingin ako sa kalangitan, tinatanaw ko yung bilog na buwan
Sa tingin ko, nahanap ko na ang purong pag-ibig
Hanggang sa ang gabi ay unti unti naging umaga, ikaw lang ang laging pinapangarap
Bawat araw na dadaan, walang masidlan ang aking kalungkutan
Sana ay mahagkan ka o mayakap man lang ng mahigpit.
Ayaw kong gumising sa isang panaginip
panaginip na ikaw ay kapiling
Gusto kong madama ang init ng iyong pagmamahal
Naway may pagkakataon ako na masabi sa iyo
na mahal kita, pero san ako magsisimula.
Alam kong ang pag-mamahal natin ay hindi kasing lawak ng katagatan
Hindi man ganoon yun, wag mo naman akong iwan
Ano man ang masabi nilang hindi maganda
Wala akong paki, bastat mahal kita.
Mahal kita!
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining