"Anghel"
at pasasalamat sa isang Makapangyarihan
Na nakaupo sa upuang balot ng ginto't pilak
Pinakita sa akin ang ibig sabihin
ng buhay na payak,
At sa iyo, aking mahal.
Isang araw na maliwanag at maaraw
Sumasayaw habang kumakanta
sa ibabaw ng kama
Ang kwarto'y totoo pero parang
nananaginip lang ako
Ang mga bintana ay malinis at malinaw,
yan ang aking natatanaw.
Sa isang saglit, napansin ko ang aking memorya
Purong puro, walang halong kakaiba
at ako'y nangangamba
Nakita ko ang isang maitim, maputi at mapusyaw na itsura
Isang nilalang na parang galing sa nakaraan
Hindi ko siya makita ng deretso
dahil napaka liwanag niya
Tumingin ako ng patagilid,
hindi siya lalaki at hindi rin babae
Ang buhok niya ay mahaba at maitim
Damit niya ay walang kasing puti
Hindi ko makita ng deretso kung tao nga ba siya
kasi ang nakikita ko lang ay isang kaluluwa
Ngumiti ako, nakatingin siya sa akin
Naglalaro sa kanyang laroang orasan na may buhangin
Hindi ko napansin ang pagkawala niya
Na parang isang usok galing sa
isang naghihingalong uling
Napakanta ako na parang isang bata
Na para nga bang munting halaman
na ubod ng pagpapala.
Anghel nga ang nakita ko,
anghel na hindi mawawala sa puso ko
Isang paalala na ang tatag ko
ay walang hangganan
Para mabuhay at para umibig.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita