"Umagang Parating"
at sa isang maliksi na pag-unlad
Nasa sa ating kamay
ang kapalaran ng inang buhay
Pupuksain natin ang katapusan
dahil may puwersa tayong dapat gamitin sa kabutihan
Iligtas ang napaka gandang bayan!
Ang pagbabago ay epekto ng pagbago ng iba
Anh pag-init ng mundo
na kasalanan din natin pala
Wala man lang tayong ginawang sulosyon
at pinagpatuloy kung ano ang direksyon
Sunog dito, sunog doon
Tapon dito, tambak doon.
Sa bawat araw araw nating pamumuhay
di man lang kayang magdasal para
susunod na may buhay
Lunes hanggang Linggo, tuwina na lang ang paalam na parang alam natin ang ating paglalagyan.
Ang mga gusto natin ay dapat makuha
kapalit man nito ay liwanag sa umaga
Di natin alam na papalubog na tayo
sa kaibuturan na pagkawala ng ating silbi sa mundo
Dapat inaalam natin ang tama sa mali
dahil ang kabataan ay puwedeng magdusa sa ating mga kasalanan.
Alamin sa kung ano ang bukas na paparating
para ang susunod sa yapak natin
ay walang pangamba na mamuhay sa lilim.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel