"Magigiting na Kawal"
Sa kagustuhan ng Diyos Ama
Ang araw ng hukom ay itinakda
sa mga kamay ng kanyang magigiting na kawal.
Nagsimulang humampas ang malalaking alon ni Satel
Para sa mga salot na dala ni Samel
Kulog at kidlat naman kay Ramel
para linisin ang maruming daanan.
Ang walang awang si Leon kinain ang mga makasalanan
Mga taong hindi naniniwala sa Diyos
Biglang bumagsak ang napakalaking anghel
para durugin ang mga siyudad at gawing alikabok
Mga matatalim na pangil ni Gagel ang humarap sa mga malalaking barko
para walang makaka ligtas sa lupit ng karagatan
Sinakop ni Irel ang mga pusong sakim
At naglabas ng nakakasulasok na usok si Bandel sa kapatagan
Nagpaulan ng malakas si Matir
nilagpasan ang mga nagdaang baha ng nakaraan
Liwanag na nakakasilaw ni Arel para mapukaw ang lahat sa biyayang pantay
Bumaba si Arnil galing sa langit
Tinawag ang ulang puro apoy
Para ang mundo'y maging puro at malinis
at marami ang makakaranas ng kamatayan
Nakakabinging trumpeta ang hinipan ni Taris
at bumukas ang pintoan ng langit
May paparating, humanda ang lahat
Ang Diyos Ama ay pumanaog
At kasabay Niya, ang kanyang bugtong na anak
Si Hesus, balot ng kaluwalhatian
Sa kanyang kapangyarihang bumuhay ng patay
at ang pagiging mapagbigay sa buhay na walang katapusan.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating