"Munting Diablo"
Ikaw na naghahanap ng banal kasagutan
Kasagutan na sa akin lang makakamtan
Ako ang iyong Ama, puwede mo akong tawaging iyo
dahil ang nilikha kita sa imahe ko
Malayo na ang nilakbay mo
Isuko mo ang pakpak mo dahil yan ang nararapat
Kasagutan sa iyong pagkabuhay
ang hinahanap hanap mo
Makinig ka at habain ang pasensya
Magpakumbaba at wag mangamba
Lahat ng bagay na ginawa ko
Ginawa kong pantay sa lahat
Ngunit isa lang ang di patas,
ang hukom na para sa nagkasala
Dapat bang ginawa ko kayo ng pareho?
Dapat bang pareho ang mga pangalan niyo?
Sa araw na ako'y hihimbing
Disisyon ko ay aking gagawin
Ito'y tungkol sa isang pagsubok
na pupukaw sa kabanalan ng aking gawa
Pakinggan mo ko aking munting diablo
Wag kang kikilos ng masama
Unawain ang iyong pakiramdam
Gamitin ang iyong puso at ng makita mo
Magkakaiba kayo sa mga tao
Maliit man na bagay ay nakaka-apekto
Dahil ikaw ang isang diablo lang
Ngunit, ako parin ang iyong Ama
Ngayon, nahanap mo na ang kasagutan
Ang huling tugon ko lang,
na ang langit ay para sa kabutihan.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal