"Pagbati sa Walang Ligtas"
kung naniniwala kang isa ka na nga
Ang mundo ay hindi maghihintay sa,
boses na galing sa'yo
Maraming nagsasabi na,
sila ang magdadala ng pagbabago
At may iilan din na,
sa tingin nila alam ang paraan
Walang biyahe na madaling sakyan,
puro may takot at pangamba,
ang mga ideya mo at
paghinagpis ay walang epekto,
walang ligtas sa kapanahonan mo.
Pagbati mula sa mundo,
at ang kanyang sakim na mga pulo
Kahit may mga payapang pangarap,
di tayo nabuhay para magpanggap
Kinukuha natin ang mga karanasan,
na hindi naman nagtatagal
Ang kasamaan ay hindi nananahimik,
malakas na aksyon ang meron
Di natin kaya ang gawing,
masaya ang kalungkutan,
ngunit may hayop na nasa pintuan palagi,
nandiyan lang, wala tayong ligtas.
Pagbati dahil nandito kana sa katotohanan,
ang alam natin, alam nga ba?
May mga kuwento para makatakas
ngunit imposible at di maiiwasan
Ang batas nito ay walang awa,
sa mga kuwentong buhay na walang katapusan
Ang mga panuntunan ng inang kalikasan
ay walang pinipiling sasagasaan
Wala tayong ligtas,
walang lugar na ligtas.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo