"Salamin"
ginoo ang itawag mo sa akin
Ipapakita ko sa'yo ang takot
humarap ka sa akin at babahag ang iyong buntot
Ako ay malungkot
nang makita kong ika'y nakasimangot
mukha mong di mapinta
dahil napuno na sa panghuhusga ng iba
Sa bawat sitwasyon
nag-iiba ang iyong emosyon
hindi ito pantasya,
totoo ang aking nakikita
Binabago mo ang iyong itsura
nilagyan ng kolorete at iba pa
nagsuot kapa ng maskara
para takpan ang iyong tunay na asta
Alam kong minsan
may mga taong nasisiyahan
tumitingin sa akin ngumingiti
na parang ayos lang sa kanila
kahit na maraming problema
At ngayon, sinisira mo ang mundo
nagmumura sa harapan ko
oh mahabagin na Bathala
naway iyo siyang mapagpala
Sa huli matatapos rin,
ang iyong hirap at lambing
kung wala kang tiwala sa isipan ng iba
konting respeto lang ay ayos na.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo
- Pagbati sa Walang Ligtas
- Mainit na Gabi