"Depresyon"
umalis ka sa dibdib ko
Patawarin mo ko dahil wala ako kamakailan
nawala ako sa katinuan
Umalis ako sa mga taong walang pakinabang
tinanggal ko sarili ko sa sosyal na buhay
Nababagabag ako, araw araw
Takot na sa buhay, at ayaw ng mamuhay
Naging matindi na, di na makaalis sa bahay
at laging nag-iisa
Tinitignan minsan ang mga ilaw
na patay sindi
Ang tindi ng depresyon, hinihila ako pababa
Hindi ko alam kung saan nagsimula,
ngayon ay nasa kailaliman na ako.
Sa sobrang lungkot ko, di na ako makaalis sa kama
Mga kasalanan ko di ko na maiwawala
Mga matatalik kong kaibigan,
di ko na kilala
Sabi na, "halika! tayo ay magsaya"
Ang tindi na ng depresyon kong nararanasan
nalulunod na ako sa kailaliman.
Sa lalim ng karagatan ako ay natutulog
iniisip na ito ay katotohanan
Ngunit, bumabalik ako paitaas
nilalangoy ko kahit ang dilim ng harapan ko.
Aalis naba ako? o uupo nalang ng walang kasiguraduhan kung ano ang pupuntahan
Iinom nalang ako ng alak
at maninigarilyo hanggang sa di ko na batid ito
Natalo ako sa laban, alam ko
at sa tingin ko malapit ng ang katapusan
Kung may hiling man ako
gusto ko mag-iba ang lahat
Kinakaya ko pa ang lahat
pero ang lakas ng puwersa ng kadiliman sa karagatan kung saan ako nahihimbing
Wala kahit konting ilaw na
gagabay sa akin pauwi
Maawa na kayo, tulungan niyo akong
makaalis dito.
Wala ng natitirang hangin
Pero di ko pa oras!
Ito na ang bahagi ng buhay ko na dapat
lumaban at magpatuloy
Kaya lumangoy ako ng lumangoy
Hanggang sa nakaabot yung ulo ko sa taas
Hangin na ba ito?
What is this about?
This poem is all about depression's destabilizing effects that a person may experience. On the first part, it was stated that depression affects a person's ability to think from the real perspective. It is a daily struggle, pain and uncomfortable moments with yourself. You're dettached from reality and thought that things were unanswerable. The second part thaught us that there are certain remedies for depression, you can socialize and do deeds that can fulfill something within your inner core, your soul. But, if a person's on a stage where his/her self-worth isn't visible anymore, those remedies are considered no-effect cures. The last part tells about the will of a person to survive from this pit of darkness. Truly, depression is a driving force, bad driving force that pressures us to choose an option to continue living or not. But, it is just a option not like your will to survive from negativities inside yourself where for me, I consider as an everyday surviving toolkit. A box for full of goods and aids to fight depression.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo
- Pagbati sa Walang Ligtas
- Mainit na Gabi
- Salamin
Image Taken from Unsplash