#32 Filipino Poetry: "Nagbalik na Ilaw" (w/ English Explaination)

photo-1482164565953-04b62dcac1cd.jpg

"Nagbalik na Ilaw"

Ako'y gising na
ngunit nahihimbing pa
Nananatiling buhay at matayog
na kahit anong kaligayahan ang gustong makamtan ay di sapat para
mapunan ang gusto ng kalooban

Ako'y nakaraos sa araw-araw
ngunit araw araw ay nalulunod at nahihirapan
Pumipitik na puso,
tinutusok tusok ng patalim
Kahit anong saya ang sa akin,
inaatake naman ng malalim

Kumain na ako ngunit gutom pa rin
Kinakaya ang mag-isa ngunit
parang mahirap magpatuloy
Nag-iisang hinahawakan ay kailangan
Nananatiling mainit, sa kabila ng sobrang lamig

Ang buhay ko'y puno ng burol at bundok
Naranasan ko ang nasa itaas at ibaba
Ngunit sa oras na kailangan ko ng karamay,
mga minamahal ko'y di man lang maka-agapay

Ang taong sobrang kailangan ko,
ay namumuhay na sa ibang pagkatao
At kung anong gusto kong makuha,
di ko man lang magawa

Nang siya ay bumalik, nabuhay ulit ang aking puso
At doon ko napagtanto,
di mabubuhay ang tao na hindi kompleto.

What is this about?

"Nagbalik na ilaw" means Returned Light. I used light in the poem as a comparison to man's confidence and self-esteem. The first part of the poem tells about a man and his struggles in life in equilibrium of his achievements. The second part conveys that his grudges were growing inside and that happiness for him is not enough to give satisfaction. The third part tells how he lost the battle and how he badly needed moral support and love. Though it was not stated specifically, it was at the last part where he gain his confidence back and trust in his self.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now