#37 Filipino Poetry: "Aklat"

photo-1491841573634-28140fc7ced7.jpg

"Aklat"

Nakaupo sa isang lalagyan,
kasama ang iba pa
may nabubulok na at may bagong bago pa
may inaalikabok - pagpag dito at doon
Dumukot ako ng isa
Lumang aklat

Sinulat ng kay tagal na,
mga pahina nito'y punit punit na sa aking kamay
Gusto niya ang pansin ko
Gusto ko rin ng matuto
Aklat ko!

Unang mga salita - sa unang pahina
"Wag mawalan ng paningin sa kung sino ka."
Lumang aklat na alam ako,
alam na nalilimutan ko na ang sarili ko

Buhay na naiwala... bakit
mahal na napunta sa iba
pera na hindi basta basta nakukuha
mag-isa nalang lagi, sa katahimikan
nananalagi.

Sa huli may mensahe ang aklat
mga katagang binitawan - "Mga taong mahal mo na puwedeng mawala, mga bagay na nasa sayo ay hindi magtatagal at mawawala rin ngunit kahit na anong mangyari wag kang mapapariwara at mawalan ng pag-asa."

Alam ko ba kung sino ako?
noong kabataan ko,
alam ko'ng pinaglalaban ko
Nabubuhay sa kung ano ang pinaniniwalaan na totoo
San kana sarili ko?

Pangalan ng aklat ay,
"Itanim ang Sarili sa Katotohanan"
ako ang may akda sa nilalaman
Mga paalala sa akin na hindi dapat kaawaan ang sarili

Ito ay aklat ko, aklat ng buhay ko.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
1 Comment