#38 Filipino Poetry: "Ukit"

photo-1414497729697-b8555ba6c1cc.jpg

"Ukit"

Kahoy at sanga na maganda ang uri
Mainam sa kwarto, sa kusina at
lalo na sa sala
Ngunit di pa yan ang gusto ko
May gagawin tayong bago.

Martilyo ay kunin mo,
isali mo na ang pang-ukit dahil
may obra akong tiyak na magugustuhan mo.

Sinimulan kong ukitin ang mukha
di ko na rin pinalampas ang le-eg na kay haba
Mga braso't siko, napakapuro ng pagpako
Ang dibdib na walang kasing kisig
daig pa ang makisig na si Adonis

Isang perpektong mukha,
matangos na ilong
at ang mata na kaaya-aya ang ganda.

Konting pokpok pa, ayun malapit ka ng matapos oh mahal kong obra
Inukit kita ng buong lakas
binigyan ng buhay na walang katumbas
Saya na naguumapaw sa galak
mga luha't pawis na tumatagaktak

Ngayon ay natapos kana, nalilito naman ako kung saan kang banda ng bahay ipapakita sa madla.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
2 Comments