"Mangkukulam"
gusto ko siyang kulayan at pintahan
Wala siyang ibang alam,
isipan niyang walang laman.
Nangungunot na mukha,
baba na mahaba,
damit na punit punit,
dala dali ang walis na ginagamit.
Nanglilisik na mga mata,
nakangiti at minsan tumatawa.
Gusto ko siyang hambalusin ng kahit ano,
gaya ng pagtaga ko sa isang troso.
Nakatayo siya sa isang bato
nanginginig na may dinadaing sa puso
Siya ay matalino, batid ko
Kaya niyang makigpag-away sa iba
at manalo na walang ginagawa
dahil, nasa panig niya ang kapangyarihan,
kapangyarihan ng kadiliman.
May isang beses,
lumapit siya sa akin
Nakipag-usap,
ngunit naman tumitingin
Hindi nakikinig kapag
ikaw na ang magsasabi ng iyong panig
Mga tao dito ay takot sa kanya
na baka sila raw ang maging biktima
Isang mangkukulam na ubod ng hiwaga,
wala akong ibang gusto,
ang itapon siya patungong impyerno.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo
- Pagbati sa Walang Ligtas
- Mainit na Gabi
- Salamin
- Inuman
- Prinsipyo
- Aklat
- Ukit
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash