#40 Filipino Poetry: "Bangungot"

photo-1454817481404-7e84c1b73b4a.jpg

"Bangungot"

Pulang liwanag na parang apoy,
na nasa paligid ko'y tumatagos sa aking balat
May tumatakbong kabayong maitim
nana paparating sa akin
Nakasakay ang isang nilalang hindi ko alam
Isang bangungot ito kung pagmamasdan

Tumatakbo sa lawa ng kamatayan
Mga buto'y nadudurog at mga yapak na matunog
Nakasuot ng maitim na kamisa at mahabang tela
At ang dating niya ay kabaliktaran sa kabanalan ang taglay.

Parang di ko mahagilap kung totoo ba ito
Ngunit parang dumadami sila na bawat segundo
Galing sila sa itaas,
di nakontento at sa dilim ay ibinagsak
Bakit malansa ang naamoy ko?
Yun pala umuulan na ng dugo.

Gusto ko ng magising kaya
bumulong ako sa hangin
Sa ma taong di alam ang gagawin,
maging mabuti lang para ang bangungot
ay lubayan ka sa pagkakahimbing.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
3 Comments