"Oras na"
Kunin ulit ang kasarinlan
na pinaglaban ng ating mga bayani noon
Ibalik ang diwa ng bayanihan
at ang tatag at lakas ng bayan
Na ang Pilipinas ay maging
tahanan ng mga kababayan
Kunin ulit ang totoong gobyerno
bago mahuli ang lahat,
bago maging kaaway ang politikong kurap
na wala ng ginawa kundi ang magnakaw ng kaban sa bayan
May mga magagandang batas, rugulasyon at reporma
na atin ay gagabay at pumuprotekta
Kunin iyon lahat, para sa bansang Pilipinas
bago ang monopolyo sa merkado ay gawing mahirap ang mas naghihirap
bago maging ganid ang mga negosyanteng ganid sa pera at kapangyarihan
bago maging kaawa awa ang mga Pilipinong nahihirapan sa sarili nilang bayan
Kunin ulit ang mga paaralan
kung saan nag-aaral ang mga pag-asa ng bayan
Mga bata, mga lider sa hinaharap
na nililinang ng kabutihan at kaalaman araw-araw
Kunin itong lahat bago mahuli,
bago mapakain ng kasamaan at kasinungalingan
bago maging alipin sa sarili nilang bayan
bago maging pudpud sa ideya ngunit di tinutulungan ng iba para mapaganda ang buhay nila.
Kunin ulit ang Konstitusyon
bago mahuli ang lahat
Turuan sila ng batas,
departamento, opisina, at buwis sa nakaraan at kasalukuyan
bago mabago ng masamang grupo na walang ibang hangad kundi umasenso ang kanilang pagkatao.
Buhayin ang bayanihan at kumunidad
Bago mahuli ang lahat, gawin ang lahat para maibuklod at mapagsamasama ang mga tao at batas.
Bago mahuli ang lahat,
Oras na para kunin ang ating bansa.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo
- Pagbati sa Walang Ligtas
- Mainit na Gabi
- Salamin
- Inuman
- Prinsipyo
- Aklat
- Ukit
- Mangkukulam
- Bangungot
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash