"Napapanahon na Makata"
Hindi ko kayang magsalita para sa bawat manunulat
ng tula at kung anong panitikan
ngunit base sa aking naranasan,
lahat ay kayang magbalat kayo para sa katanyagan.
Dahil may mga kadahilanang di maiiwasan at matatago,
may iba maganda, at may iba di kaaya-aya;
katulad sa mga mangyayari kapag pluma ko na ang gagawa.
Napapanahon talaga ang talino at pagkamatalinghaga
Nadaanan ko na ang panahon kung saan ang lamig ay hindi matutumbasan,
kaya ang talento ko ay lumalabas at walang kulang.
Yung ginaw na nadarama,
dinaraan nalang sa mga kampas ng kamay habang binabalangkas ang isusulat na makata.
Ngunit minsa sa mga oras na iyon,
oras na parang kamatayan sa lamig,
lalo nat wala kang maisip na inspirasyon para gawa mo'y mamumukud tangi at puno ng papuri.
Ngayon ay tag-init na, paparating na, at matutunaw na ang tinta sa bumara sa aking pluma.
Ang aking pagkamakata ay umusbong ng sobra
dahil sa init na umaapaw habang iniisip ay isang kanta.
Nag saglit kong binuhay ang natutulog kong kakayahan, bumubukadkad na parang bulaklak sa daanan ng mga batang ang mga ngiti ay walang pagsidlan.
Malayang salita, limericko, o kaya isang haiku,
kahit ano pa yan ang kayang kaya ko.
Ang pagiging makata ay nasa dugong nananalaytay at
walang sino man ang makatatatanggal na para bagang isang ibon na kinulong at tinanggalan ng kalayaan - kahit kailan hindi ako magiging ganyan.
Tulang gawa ng isang simpleng tao gaya ko
may ibat ibang kulay, anino at tono na haharana sa iyong puso.
Ang mga gawa ay unti unti ng nabubuo,
may mga luma at may mga bago,
hintayin ang karugtong nito dahil may matutunan kang hindi itunuro ng kahit sino.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo
- Pagbati sa Walang Ligtas
- Mainit na Gabi
- Salamin
- Inuman
- Prinsipyo
- Aklat
- Ukit
- Mangkukulam
- Bangungot
- Oras na
- Pananaw
- Paalam
- Ako'y Nagbalik
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash