"Buhay ng Payak"
kung ano ang nawala sa'yo at kung ano ang kinuha.
Kung ano ang sa iyo, at kung ano ang dapat mong ginawa noong una pa.
Sana'y magbalik ang mga nasayang na kahapon
para maibalik ang mga nagdaan na panahon.
Tag-init, tag-sibol, tag-lagas at tag-lamig
nang nakikita mong walang pagbabago sa iyong buhay.
Ang hangin ay hindi nag-iiba para sa iyong direksyon
Ang ilog ay dumadaloy sa isang direksyon sa araw araw mong pagtawid.
Ang mga nawalang pangarap ay hindi pa natagpuan
Ang mapusyaw na ilaw ng araw at ang makulimlim na ulap na tumatakip sa asul na langit
Marahil konti lang ang bituin sa gabing madilim,
ngunit malayo lang yan kaysa sa kinalalagyan mo
Ang daan ay mahaba at hindi malaman kung ano ang nasa hulihan.
Sana'y magbalik ang mga nasayang na kahapon para sa iyo
at ngayon, lumiwanag nawa ang ilaw na kailangan mo
Wala ng anino, wala ng maitim na alapaap
Nakita mo na ang dapat makita, narinig mo na ang dapat marinig.
Sana'y magbalik ang mga nasayang na oras para sa ito
at ngayon, may mga tama na.
Hindi mo hinihingi ang sobra,
tama na ang payak na buhay para ikaw ay mabuhay.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo
- Pagbati sa Walang Ligtas
- Mainit na Gabi
- Salamin
- Inuman
- Prinsipyo
- Aklat
- Ukit
- Mangkukulam
- Bangungot
- Oras na
- Pananaw
- Paalam
- Ako'y Nagbalik
- Napapanahon na Makata
- Tunay na Lalaki
- Alak
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash