#50 Filipino Poetry: "Maynila"

photo-1496116070983-c1867ff2d975.jpg

"Maynila"

Lugar ng mga pangarap', yan ang laging sabi nila
Di ko maisip kung bakit ganito nalang sila kamangha sa Maynila
Lugar na maingay, mausok at ma trapik
Lugar ng mga madidiskarte at mga adik
Lugar na di ka mabubuhay kung di ka kakayud sa totoong buhay
Lugar ng mga pangarap, pangarap na matayog

Binabalik balikan ng mga taga probinsiya dahil sa mga magagandang oportunidad na makukuha
Dinadayo ng mga dayuhan kahit puno ito ng kapahamkan
Mga balikbayan na sabik umuwi sa piling ng mga pamilya
Lugar ng Maynila, lugar ng magaganda ngunit mahirap makuha

Sa pagdaan ng panahon, ang lugar na ito ay umuusbong
Ang linis na at polyosyun ay mahirap ng makita
Kahit maraming tao, ang naninirahan ay matatalino
Kahit maraming sasakyan ay naghahanap ng paraan para maibsan ang trapik sa daan

Ngayon na nasubukan kong makapunta sa lugar na ito, ang masasabi ko lang ay puno ito ng ginto at pilak
Mga bagay na masarap makuha kungikaw ay nagsusumikap
Mga pagsusumikap dahil gusto mong mabuhay ng matiwasay
Matiwasay na nagpapasaya sayo at kontento na sa buhay.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
14 Comments