"Nagsisisi"
Ang mga ginawa mo noon na hindi mo kinaya?
Okay lang yan dahil di pa huli ang lahat,
dahil habang may buhay may pag-asa.
Nagsisisi ka na ba?
Ang mga hindi mo nagawa na gusto mong gawin?
Titingin nalang sa langit at mananalangin
kasi sinayang lang ang panahon na nasa piling.
Babalik ka na ba?
Dahil napag tanto mo na ako ang iyong mahal at hindi siya?
Bawat bahaghari na iyong nakikita pagkatapos ng ulan,
ako lang naman ang laging nakasuporta sa'yo magpakailanman.
Babalik ka na ba?
Kasi alam mong mayroon kang babalikan?
Hindi mo ba naisip na mayroon ng kaibahan,
na may mga bagay na nabago na at napalitan.
Lalaban ka ba?
Para sa taong mahal mo,
at hindi para sa iyo?
May mga bagay na mahal mo kaysa sarili mo,
yan ang ginawa ko noong panahon na balewala lang ako.
Lalaban ka ba?
Kasi lalaban din ako? O baka lalaban ka lang para sa iba.
Pinagpupumilit ko ang sarili ko noon, ngayon ikaw naman ang nasa sitwasyon.
Magmamahal ka pa ba?
Pagkatapos ng mga nangyari na hindi mo gusto?
Kahit man lang yung mga magaganda di mo inisip ng mabuti na sayang lang.
Magmamamahal pa ba ako?
Oo! At sana sa taong mahal din ako.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo
- Pagbati sa Walang Ligtas
- Mainit na Gabi
- Salamin
- Inuman
- Prinsipyo
- Aklat
- Ukit
- Mangkukulam
- Bangungot
- Oras na
- Pananaw
- Paalam
- Ako'y Nagbalik
- Napapanahon na Makata
- Tunay na Lalaki
- Alak
- Buhay na Payak
- Sarili
*Maynila
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash