"Mahina"
naghahanap ng makakausap
Lupaypay pag-uwi sa bahay,
tapon ang dalang gamit at uupo sa tabi ni nanay
Limang minutong walang imik,
hindi gutom, hindi uhaw at walang ngiting matatanaw.
Mahina ang taong walang kaligayahan,
hindi matatapos ang problema kung walang masasandalan.
Kumusta?, wari ni nanay
sabay ngiti at sabay tawa ng malumanay
Alam na alam niya na may problema,
kahit hindi mo ipakita, ito ay nadarama niya.
Pagod ako inay", ang tugon ng batang walang lumbay.
Walang masidlan ang kalungkutan sapagkat
bata pa lang ay marami na ang pinagdaanan.
Mahina ako", ang salitang nauulit sa aking isipan
Hindi ko alam kung anong gagawin sa aking sarili para maibsan ang kalungkutan.
Mahina ako sa lahat ng bagay
kahit aa pinakamadali ay hindi ako nagtatagumpay.
Mahina ako sa pagtama sa iba
kaya ako lagi ang hinuhusga
Sa dami dami ng kanyang nadaraanan,
isang bagay lang ang kanyag pinang hahawakan,
ito ay kaya niyang magtagumpay kahit na mahina.
Dahil ang mahihina ay laging pinagpapala!
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo
- Pagbati sa Walang Ligtas
- Mainit na Gabi
- Salamin
- Inuman
- Prinsipyo
- Aklat
- Ukit
- Mangkukulam
- Bangungot
- Oras na
- Pananaw
- Paalam
- Ako'y Nagbalik
- Napapanahon na Makata
- Tunay na Lalaki
- Alak
- Buhay na Payak
- Sarili
*Maynila
*Nagsisisi
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash