"Pula"
dahil sa taglay nitong galing sa pagpapakita ng nadarama.
Pula na simbolo ng katapangan na isunulong
ng mga taong pinaglaban ang katarungan.
Pula na nagdulot ng himagsikan ngunit nagbunga naman ng kasarinlan sa bayan,
Pula na makikita sa watawat ng KKK na itanatag ng mga katipunero,
Pula na ang ibig sabihin ay dalamhati at kung ang bayan ay may pinagdadaanang gulo,
Pula na ibig ay digmaan na dulot naman ay kamatayan.
Init na madarama mo sa pula,
gaya ng dugo mo na dumadaloy mula ulo hanggang paa.
Inip at inis na makikita ng iyong mga mata,
gaya ng isang toro na gustong kumawala sa hawla.
Ang daming puwedeng masabi sa pula,
isa itong pangunahing kulay at kaaya-aya.
Nangunguna ito sa bahaghari dahil ito'y tinuturing na kulay ng isang hari.
Pula na nagbibigay ng buhay at nagbibigay kulay sa mga taong may lumbay.
Mahirap man o madaling isipin na ang kulay pula ay isang mabigat na damdamin,
Wala namang kulay na sumisimbolo sa umiibig na damdamin!
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo
- Pagbati sa Walang Ligtas
- Mainit na Gabi
- Salamin
- Inuman
- Prinsipyo
- Aklat
- Ukit
- Mangkukulam
- Bangungot
- Oras na
- Pananaw
- Paalam
- Ako'y Nagbalik
- Napapanahon na Makata
- Tunay na Lalaki
- Alak
- Buhay na Payak
- Sarili
- Maynila
- Nagsisisi
- Mahina
- Luntian
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash